Christian Dance | "Hindi Natin Mapigilang Kumanta ng mga Awit ng Pagmamahal para sa Diyos" | Praise Song

Hunyo 25, 2024

I

Hindi natin mapigilang kumanta ng mga awit ng pagmamahal para sa Diyos,

habang mas kumakanta tayo, lalong sumasarap ang pakiramdam.

Kinakanta natin ang pagkakatawang-tao ng Diyos,

ng pag-angat sa atin sa harap ng Kanyang trono.

Hindi na tayo tumitingin sa langit, nang may mapait na pananabik,

sapagkat kaharap na natin ang Makapangyarihang Diyos.

Nagpapahayag Siya ng mga katotohanan para ipastol tayo,

Siya'y nasa ating tabi, talagang totoo at tunay.

Araw-araw nating tinatamasa ang mga salita ng Diyos,

napakasarap sa pakiramdam na maunawaan ang katotohanan.

Nakikita ang kaibig-ibig na mukha ng Diyos,

ang puso natin ay puno ng pagmamahal para sa Kanya.

Tayo'y kumakanta at sumasayaw sa papuri,

hindi natin sapat na mailalarawan ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos.

Hindi natin mapigilang kumanta ng mga awit ng pagmamahal para sa Diyos;

ang Makapangyarihang Diyos ay karapat-dapat sa mga papuri!

II

Hindi natin mapigilang kumanta ng mga awit ng pagmamahal para sa Diyos,

habang mas kumakanta tayo, lalong sumasarap ang pakiramdam.

Kinakanta natin ang pagdadala ng Diyos ng Kanyang matuwid na paghatol,

ang paglilinis at pagliligtas sa atin ng Kanyang mga salita.

Inihahayag ng mga salita ng Diyos ang satanikong kalikasan ng tao,

ipinapakita ang katotohanan ng katiwalian ng sangkatauhan.

Pinadadalisay ng mga ito ang ating mga satanikong disposisyon

at ginagawa tayong mga bagong tao.

Naiwaksi na natin ang impluwensiya ni Satanas

at nakita na talagang tunay ang pagmamahal ng Diyos.

Ang katuwiran at kabanalan ng Diyos ay sobrang kaibig-ibig,

hindi natin Siya kayang mahalin nang sapat.

Pinupuri natin ang Diyos, hindi kayang pigilan ang ating damdamin,

walang maaaring pumagitna sa atin at sa Diyos.

Hindi natin mapigilang kumanta ng mga awit ng pagmamahal para sa Diyos;

ang Makapangyarihang Diyos ay karapat-dapat sa mga papuri!

III

Hindi natin mapigilang kumanta ng mga awit ng pagmamahal para sa Diyos,

habang mas kumakanta tayo, lalong sumasarap ang pakiramdam.

Ang salita ng Diyos ang naghahari sa buhay ng kaharian,

namumuhay tayo sa liwanag.

Ang pagkamit sa katotohanan ay labis na nakapagpapalaya,

sinasamba natin ang Diyos nang may puso at katapatan.

Tayo'y nagiging mga katiwalang-loob ng Diyos,

tapat tayong naglilingkod, at nagdadala ng pasanin para sa Kanya.

Ginagawa natin ang ating tungkulin nang buong puso,

laging sumusulong sa landas ng pagmamahal sa Diyos.

Ngayon, maaari nating mahalin ang Diyos at magpasakop sa Kanya,

ang mamuhay para sa Kanya ang pinakamalaking kaligayahan.

Makapangyarihang Diyos, pinupuri Ka namin,

sasambahin Ka namin magpasawalang-hanggan!

Hindi natin mapigilang kumanta ng mga awit ng pagmamahal para sa Diyos;

ang Makapangyarihang Diyos ay karapat-dapat sa mga papuri!

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger