Christian Song | "Hindi Natin Mapigilang Kumanta ng mga Awit ng Pagmamahal para sa Diyos" Choral Hymn

Hulyo 1, 2025

I

Kinakanta natin ang pagkakatawang-tao ng Diyos,

ng pag-angat sa atin sa harap ng Kanyang trono.

Hindi na tayo tumitingin sa langit, nang may mapait na pananabik;

kaharap na natin ang Makapangyarihang Diyos.

Nagpapahayag Siya ng mga katotohanan para ipastol tayo,

Siya'y nasa ating tabi, talagang totoo at tunay.

Araw-araw nating tinatamasa ang mga salita ng Diyos,

napakasarap sa pakiramdam na maunawaan ang katotohanan.

Nakikita ang kaibig-ibig na mukha ng Diyos,

ang puso natin ay puno ng pagmamahal para sa Kanya.

Tayo'y kumakanta at sumasayaw sa papuri sa Diyos,

hindi natin sapat na mailalarawan ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos.

Hindi natin mapigilang kumanta ng mga awit ng pagmamahal para sa Diyos.

Habang mas kumakanta tayo, lalong sumasarap ang pakiramdam.

Habang mas umaawit tayo ng mga awit ng pagmamahal para sa Diyos,

mas minamahal natin Siya!

II

Kinakanta natin ang pagdadala ng Diyos ng Kanyang matuwid na paghatol,

ang paglilinis at pagliligtas sa atin ng Kanyang mga salita.

Isinisiwalat ng mga salita ng Diyos ang satanikong kalikasan ng tao,

at ginagawa tayong mga bagong tao.

Naiwaksi na natin ang impluwensiya ni Satanas

at nakita na talagang tunay ang pagmamahal ng Diyos.

Ang katuwiran at kabanalan ng Diyos ay sobrang kaibig-ibig,

hindi natin kayang mahalin nang sapat ang mga ito.

Walang maaaring pumagitna sa atin at sa Diyos.

Hindi natin mapigilang kumanta ng mga awit ng pagmamahal para sa Diyos.

Habang mas kumakanta tayo, lalong sumasarap ang pakiramdam.

Habang mas umaawit tayo ng mga awit ng pagmamahal para sa Diyos,

mas minamahal natin Siya!

III

Ang salita ng Diyos ang naghahari sa buhay ng kaharian,

namumuhay tayo sa liwanag.

Ang pagkamit sa katotohanan ay labis na nakapagpapalaya,

sinasamba natin ang Diyos nang may puso at pagkamatapat.

Sa paghahangad na maging mga katapatang-loob ng Diyos,

tapat tayong naglilingkod sa Kanya at nagpapasan tayo ng mabigat na pasanin.

Buong-puso nating tinutupad ang ating mga tungkulin,

laging sumusulong sa landas ng pagmamahal sa Diyos.

Hindi natin mapigilang kumanta ng mga awit ng pagmamahal para sa Diyos.

Habang mas kumakanta tayo, lalong sumasarap ang pakiramdam.

Habang mas umaawit tayo ng mga awit ng pagmamahal para sa Diyos,

mas minamahal natin Siya!

Ngayon, maaari nating mahalin ang Diyos at magpasakop sa Kanya,

ang mamuhay para sa Kanya ang pinakamalaking kaligayahan.

Makapangyarihang Diyos, pinupuri Ka namin,

sasambahin Ka namin magpasawalang-hanggan!

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin