Christian Dance | "Umawit at Sumayaw Tayo sa Pagpupuri sa Diyos" | Praise Song
Marso 12, 2025
I
Ang Cristo ng mga huling araw ay nagpakita upang gumawa at iligtas ang tao.
Ang Kanyang mga salita ay nagbibigay ng pagdidilig at paggabay,
na nagpapahayag ng pagmamahal ng Diyos.
Ang mga salita ng Diyos may pagsinta't kapangyarihan,
nilulupig nito ang aking puso.
Aking kinakain, iniinom at tinatamasa ang mga salita ng Diyos,
sa piging ako'y dumadalo.
Sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, at pagbubulay-bulay at pagbabahaginan,
binibigyang-liwanag ako ng Banal na Espiritu at nauunawaan ko ang katotohanan.
Iwinawaksi ko ang mga makamundong ugnayan
at nagsisimula akong gampanan ang aking tungkulin.
Anong pagpapala itong makapasok sa kaharian ng Diyos!
Umawit at sumayaw tayo sa pagpupuri sa Diyos, purihin natin ang Diyos.
Pinasasalamatan natin ang Diyos sa paggabay sa'tin sa landas ng buhay.
Tinatamasa natin ang mga salita ng Diyos araw-araw
at nabubuhay sa Kanyang presensya.
Hindi tayo kailanman hihinto
sa pagpupuri't pagpapatotoo sa katuwiran ng Diyos!
II
Ang mga salita ng Diyos ay tulad ng matalim na espada
na sa'king kalikasa'y naglalantad.
Ang aking pagmamataas, pagmamagaling at panlilinlang ay inilalantad sa liwanag.
Sa pagdaranas ng paghatol at pagkastigo, nakikilala ko ang aking sarili.
Ang tiwaling disposisyon ko'y nililinis, at ako'y nagiging bagong tao.
Tayo'y maayos na nakikipagtulungan sa isa't isa
at ginagampanan ang ating mga tungkulin.
Tayo'y nabibigo, bumabagsak at naghahanap ng katotohanan.
Napakahalaga ng katotohanan ng mga salita ng Diyos,
at tayo'y nililinis nito.
Sa paglaya mula sa impluwensiya ni Satanas,
natatamo natin ang pagsang-ayon ng Diyos.
Umawit at sumayaw tayo sa pagpupuri sa Diyos, purihin natin ang Diyos.
Pinasasalamatan natin ang Diyos sa paggabay sa'tin sa landas ng buhay.
Tinatamasa natin ang mga salita ng Diyos araw-araw
at nabubuhay sa Kanyang presensya.
Hindi tayo kailanman hihinto
sa pagpupuri't pagpapatotoo sa katuwiran ng Diyos!
III
Natitiyak na si Cristo ang katotohanan,
sumusunod tayo sa Kanya nang may di-natitinag na paninindigan.
Binabalikat natin ang ating misyon upang magpatotoo sa Diyos,
at ipinapakita natin sa Kanya ang ating katapatan.
Walang pangungutya o paninirang-puri ang sa'ti'y makapagpapaatras.
Tinutupad natin ang ating mga tungkulin upang palugurin ang Diyos,
kaluwalhatian Niya ang nauuna.
Hindi tayo manginginig sa takot kapag naharap sa pagbihag ni Satanas.
Bagama't matinding inuusig, mananatili tayong tapat hanggang kamatayan.
Sa pamamagitan ng mga pagsubok at mga kapighatian,
tumitibay ang ating pag-ibig sa Diyos.
Ganap tayong naghihimagsik laban sa malaking pulang dragon
at nagbibigay ng isang matunog na patotoo.
Umawit at sumayaw tayo sa pagpupuri sa Diyos, purihin natin ang Diyos.
Pinasasalamatan natin ang Diyos sa paggabay sa'tin sa landas ng buhay.
Tinatamasa natin ang mga salita ng Diyos araw-araw
at nabubuhay sa Kanyang presensya.
Hindi tayo kailanman hihinto
sa pagpupuri't pagpapatotoo sa katuwiran ng Diyos!
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video