Tagalog Christian Song With Lyrics | "Upang Paglingkuran ang Diyos Dapat Mong Ibigay sa Kanya ang Iyong Puso"

Abril 3, 2022

I

Dahil iningatan ni Jesus ang kalooban ng Diyos,

at walang pinlano sa sarili,

tinapos Niya'ng tagubilin ng Diyos, pagtubos sa buong sangkatauhan.

Tatlumpu't tatlong taon Siyang naglingkod sa kalooban ng Diyos,

kaya't inilagay sa Kanya ang pasanin ng pagtubos.

Siya'y kwalipikadong gawin ito, labis na nagdusa para sa Diyos,

tinukso ni Satanas nguni't 'di nasiraan ng loob.

Minahal Siya ng Diyos, pinagkatiwalaan,

kaya't 'binigay ng Diyos sa Kanya ang gawaing ito.

Kapapasok n'yo lang sa tamang landas ng paglilingkod sa Diyos,

kaya't ibigay ang inyong puso nang walang kahati.

Sa harap man ng Diyos o ng ibang tao,

puso mo'y dapat nakabaling sa Diyos, mahalin Siya ng tulad ni Jesus.

Sa ganitong paraan, gagawin kang sakdal ng Diyos,

nang maging lingkod na ayon sa Kanyang puso.

II

Kung 'di n'yo ibigay ang inyong puso

at kalooban Niya'y ingatan tulad ni Jesus,

'di ka Niya mapagkakatiwalaan at hahatulan ka Niya.

Ngayon, sa'yong paglilingkod, Siya'y lagi mong sinusubukang linlangin,

at wala sa pusong nakikitungo sa Kanya.

At kahit ano pa man, kung lilinlangin mo Siya,

walang pusong paghatol ang darating sa iyo.

Kapapasok n'yo lang sa tamang landas ng paglilingkod sa Diyos,

kaya't ibigay ang inyong puso nang walang kahati.

Sa harap man ng Diyos o ng ibang tao,

puso mo'y dapat nakabaling sa Diyos, mahalin Siya ng tulad ni Jesus.

Sa ganitong paraan, gagawin kang sakdal ng Diyos,

nang maging lingkod na ayon sa Kanyang puso.

III

Kung nais mong gawing sakdal at maglingkod ayon sa kalooban Niya,

dapat mong palitan ang iyong lumang pananampalataya sa Diyos,

baguhin ang paraan mo ng paglilingkod sa Kanya,

nang higit ka pang maging sakdal.

Nang 'di ka iwan ng Diyos;

tulad ni Pedro, magiging tagapanguna ka sa nagmamahal sa Diyos.

Kung 'di magsisi, matutulad ka kay Hudas.

Dapat 'tong malaman ng lahat ng nananalig.

Kapapasok n'yo lang sa tamang landas ng paglilingkod sa Diyos,

kaya't ibigay ang inyong puso nang walang kahati.

Sa harap man ng Diyos o ng ibang tao,

puso mo'y dapat nakabaling sa Diyos, mahalin Siya ng tulad ni Jesus.

Sa ganitong paraan, gagawin kang sakdal ng Diyos,

nang maging lingkod na ayon sa Kanyang puso.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin