Tagalog Testimony Video | "Pagpapalit sa Pagkainggit ng Pagpaparaya"

Agosto 1, 2021

Ang bidang si Liuyi ay isang pinuno ng simbahan. Sa takbo ng kanyang gawain kasama ang isa pang pinuno ng simbahan, si Sister Xiaojie, magaganda ang sinasabi niya patungkol dito sa kanilang mga pinuno matapos mapansin na may mataas na kakayahan si Sister Xiaojie at nakatuon siya sa paghahanap sa katotohanan. Gayunman, nang mapansin niyang binibigyan ng pinuno nila si Xiaojie ng pagsasanay at na tinitingala siya ng iba dahil sa kakayahan niyang lutasin ang mga problema at paghihirap ng mga brother at sister, hindi namamalayan ni Liuyi na nagsimula siyang maging mainggitin at gustong ibukod si Xiaojie. Hinuhusgahan at minamaliit pa niya siya sa kanyang likuran. Sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, nakita ni Liuyi kung gaano siya likas na mapagmataas at marahas, at na may kakayahan siyang tanggihan ang iba alang-alang lamang sa katayuan. Sa pagkakita kung gaanong hindi siya makatao at hindi makatwiran, napuno siya ng pagsisisi at kinamuhian ang sarili. Binitiwan niya kalaunan ang kanyang pagnanasa para sa katayuan na nakaayon sa mga hinihingi ng Diyos at nagsagawa ng katotohanan. Habang nagsisimula siyang tumuon sa paggamit sa mga kalakasan ni Sister Xiaojie para makabawi sa kanyang sariling mga kahinaan sa kanyang tungkulin, unti-unti siyang nagkamit ng kaginhawaan, at iniwan ang kanyang inggit. Naranasan niya kung gaano kaginhawa at kamarangal ang pakiramdam na mamuhay sa ganoong paraan.

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger