Tagalog Testimony Video | "Pagninilay sa Pagkawala ng Aking Tungkulin"

Oktubre 18, 2021

Nang unang nagkaroon ng tungkulin sa iglesia ang bida, determinado siyang gawin ito nang maayos upang suklian ang pagmamahal ng Diyos. Ngunit nagsimula siyang makaramdam ng sama ng loob nang maging sobra ang hinihingi nito at medyo nakakapagod ito—ayaw niyang dumanas ng anumang paghihirap. Pinili niya ang madadaling gawain at iniwasan ang mahihirap, at iniraos lang. Pinagtawanan pa nga niya ang mga kapatid na talagang ibinibigay ang kanilang sarili sa kanilang tungkulin. Siya'y pinungos at iwinasto, ngunit hindi pa rin niya pinagnilayan ang sarili niya, iniisip na wala siyang ginawang nakaaabala sa kanilang gawain. Kalaunan ay tinanggal siya sa kanyang tungkulin dahil tumanggi siyang ayusin ang saloobin niya, at noon lang siya humarap sa Diyos sa panalangin, binabasa ang mga salita ng Diyos at pinagninilayan ang kanyang sarili. Anong klaseng personal na pagkakaunawa ang kanyang nakamit mula sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos? Anong klaseng pag-ani ang kanyang nakuha at paano siya nabago nito? Alamin sa Pagninilay sa Pagkawala ng Aking Tungkulin.

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger