Christian Dance | "Ang Dasal ng mga Tao ng Diyos" | Praise Song

Marso 21, 2025

I

Bumabalik ang mga tao ng Diyos sa harap ng trono

at sabay-sabay na nagdarasal sa Diyos.

Nawa'y gabayan ng Diyos ang mga nagmamahal sa katotohanan

para madinig nila ang tinig Niya sa madaling panahon.

Nawa'y liwanagan ng Diyos ang mga nanonood at naghihintay

na makilala ang nagbalik na Manunubos.

Nawa'y makalaya ang mga tao mula sa mga gapos ng mga kuru-kuro nila,

para hanapin at siyasatin nila ang tunay na daan.

Nawa'y makasabay ang lahat ng paunang itinakda at hinirang ng Diyos

sa mga yapak ng Kordero.

Nawa'y makamit ng mga tao ang pagtustos ng salita ng Diyos,

para hindi na mauhaw ang espiritu nila.

Nawa'y matuto ang mga tao na magkaroon ng pagkilatis

at hindi na malihis ng mga kasinungalingan ni Satanas.

Nawa'y akayin at gabayan tayo ng Diyos na mangaral sa ebanghelyo

at magpatotoo sa Kanya.

Nawa'y laging kasama ng Diyos ang mga hinirang Niya,

para tapat na matupad ng lahat ang tungkulin nila.

II

Nawa'y liwanagan tayo ng Diyos,

para makilala natin ang salita Niya at maunawaan ang mga layunin Niya.

Nawa'y pahalagahan at isabuhay ng lahat ng tao ang salita ng Diyos.

Nawa'y madalas tayong disiplinahin ng Diyos,

para maisabuhay natin ang wangis ng tao.

Nawa'y bigyan tayo ng Diyos ng mga pagsubok,

para magbago ang ating disposisyon.

Nawa'y makilatis ng lahat ng tao ang mabuti sa masama,

maisagawa ang katotohanan at magpasakop sa Diyos.

Nawa'y parusahan ng Diyos ang mga taong gumagawa ng masama,

para hindi magulo ang buhay iglesia.

Nawa'y marami pang taong gawing perpekto ng Diyos

para maging kaisa ng puso't isipan Niya.

Nawa'y mag-alay ng tunay na pagmamahal ang lahat ng tao sa kaibig-ibig na Diyos.

Nawa'y pagpalain ng Diyos ang lahat ng hinirang Niya

para mamuhay sa liwanag.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin