Christian Dance | "Purihin ang Pagbabalik ng Diyos sa Sion" | Praise Song

Hunyo 4, 2024

I

Ang Makapangyarihang Diyos ay Napakamaluwalhati!

Siya ay nagkatawang-tao at nagpakita sa Silangan.

Ipinapahayag Niya ang katotohanan at hinahatulan ang sangkatauhan,

at dinadala Niya ang daan ng buhay na walang hanggan.

Sumasabog ang salita ng Diyos gaya ng kidlat,

kumikislap sa Kanluran, sa Kanluran.

Sa kadiliman, nakikita ng mga tao ang pag-asa,

pagka’t dumating na sa lupa ang Anak ng tao.

II

Ang Makapangyarihang Diyos ay Napakamaluwalhati!

Siya ay puno ng pagiging matuwid at maharlika, at ng paghatol.

Ang salita ng Diyos ay may awtoridad at kapangyarihan,

dinadalisay at inililigtas nito ang Kanyang mga tao.

Tinatalo ng Diyos si Satanas gamit ang Kanyang salita

at nagawa Niyang mga mananagumpay ang isang grupo ng mga tao.

Lumuluhod tayo para sambahin ang Diyos at purihin ang pagbabalik ng Diyos sa Sion,

purihin ang pagbabalik ng Diyos sa Sion.

III

Ang Makapangyarihang Diyos ay Napakamaluwalhati!

Ang salita Niya ay naghahari sa lupa.

Ang malalaking sakuna ay pumupuksa sa masamang sangkatauhan

at isinasakatuparan ng salita ng Diyos ang lahat.

Nakamit ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang kaharian at pumarito na Siya sa lupa

at ganap nang natapos ang Kanyang dakilang gawain.

Ang buong mundo ay nagagalak, ang lahat ng tao ay nagpupuri sa Kanya;

ang mga tinig ng papuri ay umaalingawngaw sa buong sansinukob.

Purihin ang Diyos sa pagkamit ng lahat ng kaluwalhatian,

ang mga tinig ay walang hanggang pumupuri!

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger