Tagalog Testimony Video | "Ang Pagsasagawa ng Katotohanan ang Susi sa Maayos na Koordinasyon"
Agosto 26, 2021
Ang tungkulin ng bida sa iglesia ay gumawa ng props para sa mga pelikula. Mas marami siyang teknikal na kasanayan kaysa sa brother na katuwang niya at may kaunting karanasan sa trabaho, kaya kapag magkaiba ang kanilang mga ideya tungkol sa mga bagay-bagay, lagi niyang iniisip na tama ang kanyang mga ideya at plano at ayaw niyang tanggapin ang mga mungkahi ng sinupamang iba. Hindi niya talaga kayang makipagtulungan nang maayos sa iba. Matapos kastiguhin at disiplinahin ng Diyos nang paulit-ulit, nagkakaroon siya ng kaunting pagkaunawa sa kanyang mapagmataas at mapagmagaling na satanikong disposisyon, natatagpuan niya ang landas tungo sa maayos na pakikipagtulungan sa mga kapatid, at nasusumpungan niya kung gaano kasarap sa pakiramdam ang isagawa ang katotohanan. Tingnan natin kung paano siya sumasailalim sa pagbabagong ito!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video