Walang Nakababatid sa Pagdating ng Diyos

Marso 22, 2020

Tagalog Christian Song With Lyrics | "Walang Nakababatid sa Pagdating ng Diyos"

I

Walang may kamalayan sa pagdating ng Diyos,

walang sumasalubong sa pagdating Niya.

Higit pa, walang may-alam sa gagawin ng Diyos.

Walang may-alam ng gagawin N'ya.

Buhay ng tao'y sadyang hindi nagbabago.

Kasama natin ang Diyos gaya ng karaniwang tao,

bilang pinakahamak sa lahat ng tagasunod,

bilang karaniwang mananalig.

May sarili Siyang hangarin at layunin.

May pagka-Diyos Siyang di-taglay ng tao.

Walang nakabatid ng Kanyang pagka-Diyos,

o ang kaib'hang Kanyang diwa sa tao.

II

Kasama natin Siya sa pamumuhay, walang takot at malaya,

ang tingin natin sa Kanya'y 'di higit sa walang halagang mananalig.

Kanyang minamasdan ang bawat kilos natin,

at lahat ng ating saloobin ang lahat ng 'to ay lantad sa harapan Niya,

ang lahat ay hayag sa harap Niya.

Walang may pakialam sa pag-iral ng Diyos,

walang nakaisip sa tungkulin Niya,

higit sa lahat, walang sinumang naghinala tungkol sa kung sino Siya.

Nagpapatuloy lamang tayo sa mga gawain natin,

na tila walang kaugnayan ang Diyos sa atin.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger