Tagalog Christian Movie Trailer | "Kwento Ko, Kwento Natin" | God's Word Is the Power of Our Life
Disyembre 17, 2022
Si Yang Yi na isang lider ng iglesia, ay naaresto sa isa sa mga kampanya ng malawakang pag-aresto ng CCP at nasentensyahan ng sampung taong pagkakabilanggo. Sa ilalim ng mahigpit na pagsubaybay at mala-aliping hinihingi sa trabaho ng mga guwardiya ng bilangguan, miserable at hirap ang pakiramdam niya, at nananabik siya sa panustos ng mga salita ng Diyos. Isang araw, nakipagsapalaran ang mga kapatid niya para bisitahin siya sa bilangguan, at palihim siyang dinalhan ng kopya ng mga salita ng Diyos. Habang gutom na binabasa ni Yang Yi ang mga salita ng Diyos, labis siyang nabigyang-inspirasyon, at nakaahon siya mula sa kanyang pasakit at pagiging negatibo. Sa pagtindi ng pagpigil at pang-uusig ng CCP sa mga Kristiyano, parami nang parami sa kanyang mga brother ang nakukulong kasama niya. Nakita ni Yang Yi na may sakit at negatibo ang ilan sa kanila dahil sa pagpapahirap na dinaranas nila, habang ang ilan ay pinupwersa ng mga guwardiya ng bilangguan na magsulat ng "Tatlong Liham" para itatwa ang Diyos, at dahil dito, nakaramdam sila ng pagkakonsensya at paninisi sa sarili. Matapos itong makita, naghanap si Yang Yi ng mga pagkakataon para suportahan at tulungan ang kanyang mga brother, at pinasahan niya sila ng mga salita ng Diyos. Nang mabasa ng kanyang mga brother ang mga salita ng Diyos, nagkamit sila ng espirituwal na panustos, at nadama nilang lahat na napakahalaga ng mga salita ng Diyos, kaya kusa silang nagpasya na isulat ang mga sipi ng mga salita ng Diyos na natatandaan nila at ibahagi ang mga iyon sa isa't isa, na nagtulot sa parami nang paraming brother na makabasa ng mga salita ng Diyos. Gayunpaman, dahil sa pagsubaybay ng mga guwardiya ng bilangguan at pagsuplong ng mga espiya, sunud-sunod na nahuling nagtatago ng mga salita ng Diyos ang mga brother ni Yang Yi, pagkatapos niyon ay isinailalim sila sa napakahigpit na pangangasiwa ng mga guwardiya, isinailalim sa interogasyon at pagpapahirap. Tapos, isinagawa ang isang malawakang inspeksyon sa bawat lugar ng bilangguan. Sa gitna ng mapanganib na sitwasyong ito, naharap ang mga brother sa isang malaking pagsubok sa pananampalataya….
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video