Tagalog Christian Movie Trailer | "Pagtagpo sa Panginoon sa Panahon ng mga Kalamidad" (II)
Agosto 11, 2025
Matapos tanggapin ni Li Cheng'en ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nagmadali siya sa pangangaral ng ebanghelyo sa iba't ibang lugar, nagkamit ng marami-raming tao. Subalit, sinimulang itaas at ipresenta ni Li ang kanyang sarili; kung kailan nakaramdam na siya ng pagkahambog at nasisiyahan siya sa sarili, nilihis at ginulo ng isang pastor ang mga baguhang nakamit niya, at binugbog si Li ng mga lider ng relihiyon at muntik na siyang mamatay sa ginaw sa niyebe. Napagtanto niya na ito ang pagsapit ng pagdidisiplina at pagpupungos ng Diyos sa kanya. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, nalaman ni Li na masyadong mayabang ang kalikasan niya, na wala siyang may-takot-sa-Diyos na puso, at na matindi ang pangangailangan niya sa paghatol, pagkastigo, pagtutuwid, at pagdidisiplina ng Diyos. Matapos ang maraming taon ng karanasan, lubos na naunawaan ni Li Cheng'en na ang magawang salubungin ang Panginoon sa gitna ng malalaking kalamidad, danasin ang paghatol at paglilinis ng Diyos habang ginagawa ang kanyang tungkulin, at tahakin ang landas ng kaligtasan ay napakalaking biyaya at pagpapala ng Diyos sa kanya … Umaasa kami na aabangan ninyo ang pagpapalabas ng tampok na pelikula: Pagtagpo sa Panginoon Sa Panahon ng mga Kalamidad (II).
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video