Christian Dance | "Ang Pagmamahal Ko sa Diyos ay Hindi Kailanman Magbabago" | Praise Song
Mayo 30, 2025
I
Buong buhay na paghihirap, naglalakbay sa hangin at ulan;
sino ang nakababatid sa dinaranas Niyang pagdurusa?
Sa isang mapagpakumbabang katawan, matiyaga Siyang gumagawa—
ngunit ang pagmamahal ng tao ay mahirap makamit.
Sinasalita Niya ang lahat ng salitang dapat Niyang salitain,
at nagkapira-piraso ang Kanyang puso sa pagkabahala;
upang iligtas ang tao, ilang dekada na Siyang nagpapakahirap at nagdurugo.
Ang puso ng Diyos, ang pagmamahal ng Diyos—
kailan tunay na mauunawaan ng mga tao ang mga ito,
para mabigyang-kaginhawahan nila nang kaunti ang puso ng Diyos?
Nilulupig ng mga salita ng Diyos ang aking puso;
matatag kong susundin ang Diyos hanggang sa wakas.
Nangangako ako ng katapatan sa Diyos, hangga't may natitira pa akong hininga.
II
Sa mga salita ng Diyos, nauunawaan ko ang katotohanan
at alam ko kung paano umasal.
Sa mga salita ng Diyos, nakikita ko nang malinaw ang lahat ng bagay;
tanging ang katotohanan ang pinakamahalaga.
Gaano man katindi ang mga pagsubok at kapighatian,
nais ko lamang na makamit ang katotohanan.
Ang pagmamahal sa Diyos ang pinakamakabuluhan.
Tutuparin ko ang aking tungkulin nang buong katapatan
at magiging handa akong tiisin ang pinakahuling pagdurusa
upang mapatotohanan at luwalhatiin ang Diyos.
Dinadalisay ako ng mga salita ng Diyos;
isinusumpa ko sa buhay ko na susuklian ko ang Kanyang pagmamahal.
Iniaalay ko ang puso ko sa Diyos;
ang pagmamahal ko sa Diyos ay hindi magbabago kailanman.
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video