Tagalog Christian Music Video | "Ang Pagmamahal Ko sa Diyos ay Hindi Kailanman Magbabago"

Agosto 5, 2023

I

Buong buhay na paghihirap,

pagala-gala sa hangin at ulan;

sino'ng makakabatid sa pagdurusa Niya?

Sa mapagkumbabang katawan,

Siya'y matiyagang gumagawa—

ngunit pag-ibig ng tao'y mahirap makamit.

Binigkas na Niya'ng mga salitang 'di mabilang;

upang tao'y iligtas, Siya'y nagpapagal

at nagdurugo nang ilang dekada.

Puso't pag-ibig ng Diyos—

tao'y kailan 'to mauunawaan,

upang mapaginhawa nila ang Diyos?

Nilulupig ng mga salita ng Diyos ang puso ko;

matatag kong susundan ang Diyos

hanggang sa wakas at

mangangako ng katapatan

hangga't ako'y may natitira pang hininga,

hangga't ako'y may natitira pang hininga.

II

Sa mga salita ng Diyos,

nauunawaan ko'ng katotohanan

at alam kung pa'no maging tao.

Sa mga salita ng Diyos,

kita ko ang lahat ng bagay;

katotohanan lang ang pinakamahalaga.

Ga'no man katindi'ng pagsubok,

nais ko lang matamo'ng katotohanan.

Pag-ibig sa Diyos ang pinakamakabuluhan.

Tungkulin ko'y tapat kong tutuparin

at huling pagdurusa'y titiisin

upang magpatotoo sa Diyos

at Siya'y luwalhatiin.

Puso ko'y inaalay ko sa Diyos;

nais ko lang na suklian ang pag-ibig Niya.

Mga salita Niya'y dinadalisay ako.

Pag-ibig ko sa Diyos ay 'di magbabago.

Pag-ibig ko sa Diyos ay 'di magbabago.

Puso ko'y inaalay ko sa Diyos;

nais ko lang na suklian ang pag-ibig Niya.

Mga salita Niya'y dinadalisay ako.

Pag-ibig ko sa Diyos ay 'di magbabago.

Pag-ibig ko sa Diyos ay 'di magbabago.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger