Tagalog Testimony Video | "Sa Pagbitaw Ko sa Pagiging Makasarili Nakalaya Ako"

Agosto 15, 2021

Nang magsimulang magtrabaho ang bida na kaagapay ni Brother Zhang sa kanyang gawain sa iglesia, lagi siyang nag-aalangang sabihin kay Brother Zhang ang lahat ng nalalaman niya sa pagsisikap na ingatan ang sarili niyang katungkulan, sa takot na "Kapag alam na ng isang estudyante ang lahat ng alam ng guro, mawawalan ng kanyang kabuhayan ang guro." Dahil lagi siyang nagkikimkim ng mga makasariling hangarin at nabibigong isagawa ang katotohanan, wala siyang nakakamtan sa kanyang tungkulin at nahuhulog sa isang kalagayan ng kadiliman. Matapos sumailalim sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nakita niya na ang pamumuhay ayon sa mga lason ni Satanas at sa mga pilosopiya nito sa pamumuhay ay nagawa siyang makasarili, mapanlinlang, at hindi makatao, at na nasusuklam dito ang Diyos. Sa gayon ay isinantabi niya ang kanyang sariling personal na mga interes at ibinahagi ang lahat ng kanyang pagkaunawa kay Brother Zhang, nang walang itinatago. Nagsimula siyang makadama ng kapanatagan at kaluwagan, at nagdaranas siya ng kagalakan na nagmumula sa pagsasagawa ng katotohanan.

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin