Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Gawain ng Diyos | Sipi 211

Setyembre 4, 2020

Ngayon, ang gawaing Aking ginagawa sa inyo ay para akayin kayo sa isang buhay ng normal na pagkatao; ito ang gawain ng paghahatid ng isang bagong kapanahunan at pag-aakay sa sangkatauhan tungo sa buhay ng bagong kapanahunan. Sa paisa-isang hakbang, ang gawaing ito ay isinasakatuparan at nabubuo sa inyo, nang direkta: Tinuturuan Ko kayo nang harapan; hinahawakan Ko kayo sa kamay; sinasabi Ko sa inyo ang anumang hindi ninyo nauunawaan, ipinagkakaloob sa inyo ang anumang wala kayo. Masasabi na, para sa inyo, lahat ng gawaing ito ay ang inyong panustos sa buhay, ginagabayan din kayo tungo sa isang buhay ng normal na pagkatao; ang layon nito sa partikular ay magkaloob ng pantustos para sa buhay ng grupong ito ng mga tao sa panahon ng mga huling araw. Para sa Akin, lahat ng gawaing ito ay para wakasan ang lumang kapanahunan at simulan ang isang bagong kapanahunan; patungkol kay Satanas, naging tao Ako para daigin ito mismo. Ang gawaing ginagawa Ko sa gitna ninyo ngayon ay panustos ninyo para ngayon at para sa inyong napapanahong kaligtasan, nguni’t sa panahon nitong ilang maiikling taon, sasabihin Ko sa inyo ang lahat ng katotohanan, ang buong daan ng buhay, at maging ang gawain sa hinaharap; magiging sapat ito para bigyang-kakayahan kayo na maranasan nang normal ang mga bagay sa hinaharap. Lahat lamang ng Aking salita ang naipagkatiwala Ko sa inyo. Wala na Akong iba pang ipinapangaral; ngayon, lahat ng salitang sinasambit Ko sa inyo ay siyang pangaral Ko sa inyo, dahil ngayon ay wala kayong karanasan sa marami sa mga salitang Aking sinasambit, at hindi nauunawaan ang mas napapaloob na kahulugan ng mga ito. Balang araw, magbubunga ang inyong mga karanasan tulad ng nasabi ko ngayon. Ang mga salitang ito ay mga pangitain ninyo sa ngayon, at ang mga ito ay siya ninyong aasahan sa hinaharap; ang mga ito ay panustos sa buhay ngayon at isang pangaral para sa hinaharap, at wala nang ibang pangaral na mas gagaling pa. Iyan ay dahil ang panahon na mayroon Ako para gumawa sa lupa ay hindi kasinghaba ng panahon na mayroon kayo para maranasan ang Aking mga salita; kinukumpleto Ko lamang ang Aking gawain, samantalang kayo ay naghahabol sa buhay, isang proseso na kinapapalooban ng mahabang paglalakbay sa buhay. Matapos ninyong maranasan ang maraming bagay, saka lamang ninyo lubos na matatamo ang daan ng buhay; saka lamang ninyo maaaninag ang kahulugang nakapaloob sa mga salitang sinasambit Ko ngayon. Kapag taglay ninyo ang Aking mga salita sa inyong mga kamay, kapag natanggap na ng bawa’t isa sa inyo ang lahat ng Aking tagubilin, kapag naiatas Ko na sa inyo ang lahat ng kailangan Kong iatas, at kapag nagwakas na ang gawain ng mga salita, gaano man kalaki ang naging epekto nito, maipapatupad na rin ang kalooban ng Diyos. Hindi iyon katulad ng iniisip mo, na dapat kang mabago hanggang sa isang punto; hindi kumikilos ang Diyos ayon sa iyong mga pagkaunawa.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 7

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger