Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Gawain ng Diyos | Sipi 162

Agosto 2, 2020

Ang ibang tao ay magtatanong, “Ano ang pagkakaiba ng gawaing isinagawa ng nagkatawang-taong Diyos sa gawain ng mga propeta at mga apostol noon?” Si David ay tinawag din na Panginoon, gayundin si Jesus; bagaman magkaiba ang gawaing kanilang isinagawa, magkatulad ang itinawag sa kanila. Bakit, sinasabi mo, hindi magkatulad ang kanilang pagkakakilanlan? Ang nasaksihan ni Juan ay isang pangitain, na nagmula rin sa Banal na Espiritu, at nasabi niya ang mga salitang balak sabihin ng Banal na Espiritu; bakit magkaiba ang pagkakakilanlan ni Juan at ni Jesus? Ang mga salitang sinabi ni Jesus ay nagawang ganap na kumatawan sa Diyos, at ganap na kumatawan sa gawain ng Diyos. Ang nakita ni Juan ay isang pangitain, at siya ay walang ganap na kakayahang kumatawan sa gawain ng Diyos. Bakit nagpahayag ng maraming salita sina Juan, Pedro at Pablo—gayundin si Jesus—ngunit hindi sila magkapareho ng pagkakakilanlan ni Jesus? Dahil higit sa lahat ang gawaing kanilang ginawa ay magkaiba. Kinatawan ni Jesus ang Espiritu ng Diyos, at ang Espiritu ng Diyos na direktang gumagawa. Ginawa Niya ang gawain sa bagong panahon, ang gawain na walang pang nakagagawa. Nagbukas Siya ng bagong daan, kinatawan Niya si Jehova, at kinatawan Niya ang Diyos Mismo. Samantalang sina Pedro, Pablo at David, anuman ang tawag sa kanila, kinatawan lang nila ang pagkakakilanlan ng nilalang ng Diyos, o ipinadala ni Jesus o Jehova. Kaya gaano man karami ang gawaing kanilang isinagawa, gaano man kadakila ang mga himalang kanilang ginawa, sila pa rin ay mga nilalang lamang ng Diyos, at walang kakayahang kumatawan sa Espiritu ng Diyos. Sila ay gumawa sa ngalan ng Diyos o matapos ipadala ng Diyos; higit pa rito, sila ay gumawa sa panahong sinimulan ni Jesus o Jehova, at ang gawaing kanilang isinagawa ay hindi magkahiwalay. Sila ay, sa katunayan, mga nilalang lamang ng Diyos. Sa Lumang Tipan, maraming mga propeta ang nagpahayag ng mga hula, o nagsulat ng mga aklat ng hula. Walang nagsabi na sila ang Diyos, ngunit nang sandaling nagpakita si Jesus, bago Siya nagbigkas ng anumang mga salita, ang Espiritu ng Diyos ay nagpatotoo sa Kanya bilang Diyos. Bakit ganoon? Sa puntong ito, dapat ay alam mo na! Noon, ang mga apostol at propeta ay nagsulat ng iba’t ibang kalatas, at gumawa ng maraming hula. Kalaunan, pumili ang mga tao nang ilan sa mga ito na maaaring mailagay sa Biblia, at ang ilan ay nawala. Dahil may mga tao na nagsasabi na ang lahat ng kanilang sinabi ay nagmula sa Banal na Espiritu, bakit itinuring na mabuti ang ilan sa mga ito, at ang ilan ay itinuring na masama? At bakit ang ilan ay napili at ang iba ay hindi? Kung ang mga ito ay talagang mga salitang sinabi ng Banal na Espiritu, kailangan pa bang mamili ng mga tao sa mga ito? Bakit ang mga ulat ng mga salitang sinabi ni Jesus at ng Kanyang mga ginawang gawain ay iba sa Apat na Ebanghelyo? Hindi ba ito pagkakamali ng mga sumulat nito? Ang ibang tao ay magtatanong, “Dahil ang mga kalatas na isinulat ni Pablo at ng ibang mga manunulat sa Bagong Tipan at ang gawaing isinagawa nila ay bahagyang nagmula sa kalooban ng tao, at nahaluan ng mga pagkaunawa ng mga tao, kung gayon wala bang bahid ng karumihan ng tao sa mga salitang Iyong (ng Diyos) ipinapahayag ngayon? Hindi ba talaga ito nagtataglay ng mga pagkaintindi ng tao?” Ang yugtong ito ng gawain ng Diyos ay ganap na iba mula sa gawain na isinagawa ni Pablo at ng mga apostol at propeta. Hindi lamang may pagkakaiba sa pagkakakilanlan, ngunit, higit sa lahat, mayroong pagkakaiba sa gawaing isinasakatuparan. Matapos pabagsakin at sumubsob si Pablo sa harap ng Panginoon, siya ay pinangunahan ng Banal na Espiritu upang gumawa, at siya ay naging sugo. At siya ay sumulat ng mga liham sa mga iglesia, at ang lahat ng mga liham na ito ay sumunod sa mga turo ni Jesus. Si Pablo ay isinugo ng Panginoon upang gumawa sa ngalan ng Panginoong Jesus, ngunit nang dumating ang Diyos Mismo, Siya ay hindi gumawa sa anumang pangalan, at kinatawan walang-iba kundi ang Espiritu ng Diyos sa Kanyang gawain. Dumating ang Diyos upang direktang isagawa ang Kanyang gawain: Hindi Siya ginawang perpekto ng tao, at ang Kanyang gawain ay hindi isinakatuparan ayon sa mga aral ng sinumang tao. Sa yugtong ito ng gawain, hindi nangunguna ang Diyos sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Kanyang mga sariling karanasan, sa halip ay direktang isinasagawa ang Kanyang gawain, ayon sa kung ano ang mayroon Siya. Halimbawa, ginagawa Niya ang mga gawain ng mga taga-serbisyo, sa panahon ng pagkastigo, ang gawain ng kamatayan, ng pagmamahal sa Diyos…. Ito ang lahat ng gawain na hindi pa nagagawa noon, at gawain sa kasalukuyang panahon, sa halip na mga karanasan ng tao. Sa mga salitang Aking nasabi, alin ang mga karanasan ng tao? Hindi ba’t ang mga ito ay direktang nagmumula sa Espiritu, at hindi ba ang mga ito ay ipinadala ng Espiritu? Ito ay dahil sa napakahina ng iyong kakayahan kaya hindi mo maaninag ang katotohanan! Ang praktikal na paraan ng buhay na Aking sinasabi ay ang gabayan ang landas, at hindi pa nasasabi ng kahit sino noon, ni hindi pa kailanman nararanasan ninuman ang landas na ito, o nalaman ang realidad na ito. Bago Ko binigkas ang mga salitang ito, hindi pa ito nasasabi ninuman. Walang sinuman ang nakapagsalita ng ganoong mga karanasan, ni hindi sila nakapagsabi kailanman tungkol sa mga ganoong detalye, at higit sa lahat, wala pang nakapagturo sa ganoong kalagayan upang ibunyag ang mga bagay na ito. Walang sinuman ang tinahak kailanman ang landas na Aking tinatahak ngayon, at kung ito ay tinahak ng tao, hindi ito ang bagong daan. Halimbawa na lang ay sina Pablo at Pedro. Wala silang mga sariling karanasan bago ang paglakad sa landas na tinahak ni Jesus. Naranasan lang nila ang mga salitang sinabi ni Jesus at ang landas na tinahak Niya matapos tahakin ni Jesus ang landas; mula rito nagkaroon sila ng maraming karanasan, at sinulat ang mga liham. Kaya, ang mga karanasan ng tao ay hindi katulad ng gawain ng Diyos, at ang gawain ng Diyos ay hindi katulad ng kaalamang inilalarawan ng mga pagkaintindi at karanasan ng tao. Sinabi Ko nang paulit-ulit, na ngayon tinatahak Ko ang bagong landas, at ginagawa ang bagong gawain, at ang Aking gawain at pagbigkas ay iba kay Juan at sa lahat ng ibang mga propeta. Hindi Ako kailanman magkakamit muna ng mga karanasan at saka ipapahayag ang mga ito sa inyo—hindi ganyan ang kalagayan sa lahat. Sakali man, hindi ba kayo nito naantala noon pa? Sa nakaraan, ang kaalaman na sinasabi ng lahat ay ginawang dakila din, ngunit ang lahat ng kanilang mga salita ay sinabi lamang batay sa mga tinatawag na espirituwal na kilalang tao. Hindi sila gumabay sa daan, ngunit nagmula sa kanilang mga karanasan, nagmula sa kanilang mga nakita, at mula sa kanilang kaalaman. Ang ilan ay kanilang mga pagkaintindi, at ang iba ay mga karanasan na kanilang ibinuod. Ngayon, ang kalikasan ng Aking gawain ay lubos na iba sa kanila. Hindi Ko naranasan ang pangunahan ng iba, ni natanggap ko ang gawing perpekto ng iba. At saka ang lahat ng Aking mga sinabi at ipinagpakipagsamahan ay hindi tulad ng sa kanino man, at hindi pa nasasabi ninuman. Ngayon, kahit na sino ka man, ang inyong gawain ay isinasakatuparan batay sa mga salitang Aking sinasabi. Kung wala ang mga pagbigkas at gawaing ito, sino ang mga maaaring makaranas sa mga bagay na ito (ang pagsubok ng mga taga-serbisyo, ang mga kapanahunan ng pagkastigo…), at sino ang maaaring magpahayag sa ganoong kaalaman? Wala ka ba talagang kakayahang makita ito? Anuman ang mga hakbang sa gawain, sa sandaling ang mga salita Ko ay masabi, kayo ay nagsisimulang makibahagi ayon sa Aking mga salita, at gumawa ayon sa mga ito, at hindi ito isang paraan na naisip ninuman sa inyo. Matapos makarating sa ganito kalayo, hindi mo pa rin ba kayang makita ang ganoon kalinaw at kasimpleng tanong? Hindi ito isang paraan na naisip na ng ibang tao, ni batay doon sa anumang espirituwal na kilalang tao. Ito ay isang bagong landas, at maging marami sa mga salitang minsang sinabi ni Jesus noon ang hindi na ginagamit. Ang Aking sinasabi ay ang gawain ng pagbubukas ng bagong panahon, at ito ang gawain na nakatatayo nang mag-isa; ang gawaing Aking ginagawa, at ang mga salitang Aking sinasabi, ay pawang mga bago. Hindi ba’t ito ang bagong gawain ngayon? Ganito rin ang gawain ni Jesus. Ang Kanyang gawain ay iba rin sa mga gawain ng mga tao sa templo, at kaya ito ay iba rin sa gawain ng mga Fariseo, at hindi ito nagtataglay ng pagkakatulad sa mga isinagawa ng lahat ng mga tao sa Israel. Matapos itong masaksihan, hindi makapagpasya ang mga tao: Ginawa ba talaga ito ng Diyos? Hindi kumapit si Jesus sa kautusan ni Jehova; nang Siya ay dumating upang magturo sa tao, ang lahat ng Kanyang sinambit ay bago at iba sa mga sinabi roon ng mga sinaunang santo at propeta sa Lumang Tipan, at dahil dito, nanatiling hindi sigurado ang mga tao. Ito ang dahilan kung bakit mahirap makitungo sa tao. Bago pa man tanggapin ang bagong yugto ng gawain na ito, ang landas na tinahak ng karamihan sa inyo ay upang isagawa at pumasok sa saligan ng yaong mga espiritwal na kilalang tao. Ngunit ngayon, ang gawaing Aking ginagawa ay higit na iba, kaya kayo ay hindi makapagpasya kung ito ba ay tama o hindi. Wala Akong pakialam kung ano ang landas na iyong tinahak noon, hindi rin Ako interesado sa mga pagkaing iyong kinain, o kung sino ang itinuring mong “ama.” Dahil Ako ay naparito at nagdala ng bagong gawain upang gabayan ang tao, ang lahat ng sumusunod sa Akin ay dapat kumilos ayon sa kung ano ang Aking sinasabi. Gaano man kalaki ang kapangyarihan ng “pamilya” na iyong pinanggalingan, kailangan mo Akong sundin, at hindi ka dapat kumilos ayon sa iyong mga dating pagsasagawa, ang iyong “ama-amahan” ay dapat magbitiw, at dapat kang lumapit sa harap ng iyong Diyos upang hanapin ang iyong nararapat na bahagi. Ang kabuuan mo ay nasa Aking mga kamay, at hindi ka dapat maglaan ng sobra-sobrang bulag na paniniwala sa ama-amahan mo; hindi ka niya lubusang makokontrol. Ang gawain ngayon ay nakatatayo nang mag-isa. Ang lahat ng sinasabi Ko ngayon ay maliwanag na hindi batay sa saligan mula sa nakaraan; ito ay isang bagong simula, at kung iyong sasabihin na ito ay nilikha ng kamay ng tao, kung gayon isa ka sa mga bulag na walang makagagamot!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa mga Pangalan at sa Pagkakakilanlan

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin