Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 165

Hulyo 19, 2020

Gusto Kong talakayin sa inyo ang tungkol sa isang bagay na inyong ginawa na nakasorpresa sa Akin sa simula ng ating pagtitipon ngayon. Ang ilan sa inyo marahil ay nagkikimkim ng diwa ng pasasalamat, marahil kayo’y nakakaramdam ng pasasalamat, at sa gayon ay nais ninyong ipahayag nang pisikal kung ano ang nararamdaman ninyo. Ang ginawa ninyo’y hindi nangangailangang mapulaan; ito’y hindi tama ni mali. Ngunit gusto Kong maunawaan ninyo ang isang bagay. Ano ito? Una, nais Ko kayong tanungin tungkol sa ginawa ninyo ngayon lamang. Ito ba ay pagpapatirapa o pagluhod upang sumamba? May makakapagsabi ba sa Akin? (Naniniwala kami na ito ay pagpapatirapa.) Naniniwala kayo na ito ay pagpapatirapa, kung gayon, ano ang kahulugan ng pagpapatirapa? (Pagsamba.) Ano naman ang pagluhod upang sumamba? Hindi pa Ako nagbahagi sa inyo tungkol dito, ngunit sa araw na ito nararamdaman Ko na kinakailangan Kong ibahagi ang paksang ito sa inyo. Nagpapatirapa ba kayo sa inyong karaniwang mga pagtitipon? (Hindi.) Nagpapatirapa ba kayo kapag kayo ay nananalangin? (Oo.) Nagpapatirapa ba kayo sa bawat oras na kayo ay nananalangin, kapag itinutulot ng mga kondisyon? (Oo.) Iyan ay mabuti. Subalit ang nais Kong maunawaan ninyo ngayon ay tinatanggap lamang ng Diyos ang pagluhod ng dalawang uri ng mga tao. Hindi natin kailangang konsultahin ang Biblia o ang mga pag-uugali at gawa ninumang espirituwal na karakter. Sa halip, sasabihin Ko sa inyo ang isang bagay na totoo dito at ngayon. Una, ang pagpapatirapa at pagluhod sa pagsamba ay hindi magkapareho. Bakit tinatanggap ng Diyos ang mga pagluhod ng mga taong ipinapatirapa ang kanilang mga sarili? Ito ay dahil sa tinatawag ng Diyos ang isang tao papalapit sa Kanya at inaatasan ang taong ito na tanggapin ang tagubilin ng Diyos, kaya papahintulutan siya ng Diyos na magpatirapa siya sa harap Niya. Ito ang unang uri ng tao. Ang ikalawang uri ay ang pagluhod upang sumamba ng isang tao na natatakot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan. Mayroon lamang nitong dalawang uri ng tao. Kaya sa aling uri kayo nabibilang? Masasabi ba ninyo? Ito ay katotohanan, bagama’t maaaring masaktan nang kaunti ang inyong mga damdamin. Walang masasabi tungkol sa mga pagluhod ng mga tao sa panahon ng pananalangin—ito ay tama tulad ng nararapat, sapagkat kapag nananalangin ang mga tao kadalasang ito ay pananalangin para sa isang bagay, pagbubukas ng kanilang mga puso sa Diyos at pagharap sa Kanya. Ito ay pakikipagtalastasan at pakikipagpalitan, puso sa puso sa Diyos. Ang pagsamba habang nakaluhod ay hindi dapat maging pormalidad lamang. Hindi Ko sinasadya na sisihin kayo para sa inyong ginawa ngayon. Nais Ko lamang linawin ito sa inyo upang inyong maunawaan ang prinsipyong ito, alam ninyo ito, hindi ba? (Oo, alam namin.) Sinasabi ko ito upang hindi na ito mangyari pang muli. Ang mga tao ba kung gayon ay may anumang pagkakataon na magpatirapa at lumuhod sa harapan ng Diyos? Hindi dahil hindi na magkakaroon ng ganitong pagkakataon. Hindi magtatagal darating ang araw, ngunit ang panahon ay hindi ngayon. Nakikita ba ninyo? Pinalulungkot ba kayo nito? (Hindi.) Mabuti iyan. Marahil ang mga salitang ito ay uudyok o pupukaw sa inyo upang malaman ninyo sa inyong puso ang kasalukuyang kalagayan sa pagitan ng Diyos at tao at kung anong uri ng ugnayan ang umiiral ngayon sa pagitan ng Diyos at ng tao. Bagaman napag-usapan na natin kamakailan lamang at nakapagpalitan na nang maigi, ang pagkakaunawa ng tao sa Diyos ay malayo pa rin sa sapat. Napakalayo pa ng lalakbayin ng tao sa daang ito ng paghahangad na maunawaan ang Diyos. Hindi Ko intensyon na pilitin kayong gawin ito nang mabilisan, o magmadali na ipahayag ang mga uring ito ng mga hangarin o mga damdamin. Ang ginawa ninyo ngayon ay maaaring maghayag at magbunyag ng inyong tunay na mga damdamin, at nahahalata Ko iyon. Kaya habang ginagawa ninyo ito, ninais Kong tumayo na lang at ibigay sa inyo ang Aking mabuting mga pagbati, sapagkat nais Kong maging mabuti ang kalagayan ninyong lahat. Kaya ginagawa Ko ang Aking makakaya sa bawat salita Ko at sa bawat pagkilos upang matulungan kayo, gabayan kayo, nang sa gayon magkakaroon kayo ng tamang pagkaunawa at tamang pananaw sa lahat ng bagay. Nauunawaan ninyo ito, tama? (Oo.) Magaling. Bagaman ang mga tao ay may ilang pagkaunawa sa iba’t ibang disposisyon ng Diyos, ang mga aspeto kung anong mayroon at kung ano ang Diyos at ang ginagawang gawain ng Diyos, ang karamihan sa pagkaunawang ito ay hindi lalampas sa pagbabasa ng mga salita sa isang pahina, o inuunawa ang mga ito sa prinsipyo, o iniisip lamang ang tungkol sa mga ito. Ang pinakakulang sa mga tao ay ang totoong pagkaunawa at pananaw na nagmumula sa totoong karanasan. Kahit na gumagamit ang Diyos ng iba’t ibang paraan upang gisingin ang puso ng mga tao, mahaba pa ang lalakbayin bago ito magampanan. Ayaw Kong makita ang sinuman na nagdaramdam na tila ba iniwan silang nag-iisa ng Diyos, na pinabayaan sila ng Diyos o tinalikuran Niya sila. Nais Ko lamang makita na ang lahat ay nasa daan upang hanapin ang katotohanan at naghahangad na maunawaan ang Diyos, matapang na nagpapatuloy sa paglalakad na may matibay na kalooban, na walang mga pangamba, walang dinadalang mga pasanin. Maging anumang mga kamalian ang nagawa mo, gaano man kalayo kang naligaw o gaano ka man lumabag, huwag hayaan ang mga ito na maging mga pasanin o dagdag na pabigat na dadalhin mo sa iyong paghahangad na maunawaan ang Diyos: Ipagpatuloy mo ang paglalakad nang pasulong. Sa lahat ng panahon, hawak ng Diyos ang kaligtasan ng tao sa Kanyang puso; hindi ito kailanman nagbabago: Ito ang pinakamahalagang bahagi ng diwa ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger