Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 140

Hulyo 20, 2020

Ang Pag-uusap ni Satanas at ng Diyos na si Jehova (Mga piling sipi)

Job 1:6–11 Isang araw nga nang ang mga anak ng Diyos ay magsiparoon na magsiharap kay Jehova, na si Satanas ay naparoon din naman na kasama nila. At sinabi ni Jehova kay Satanas, Saan ka nanggaling? Nang magkagayo’y sumagot si Satanas kay Jehova, at nagsabi, Sa pagpaparoo’t parito sa lupa, at sa pagmamanhik manaog doon. At sinabi ni Jehova kay Satanas, Iyo bang pinansin ang Aking lingkod na si Job? sapagka’t walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na lalake, na natatakot sa Diyos at humihiwalay sa kasamaan. Nang magkagayo’y sumagot si Satanas kay Jehova, at nagsabi, Natatakot ba ng walang kabuluhan si Job sa Diyos? Hindi Mo ba kinulong siya, at ang kaniyang sangbahayan, at ang lahat niyang tinatangkilik, sa bawa’t dako? Iyong pinagpala ang gawa ng kaniyang mga kamay, at ang kaniyang pag-aari ay dumami sa lupain. Nguni’t pagbuhatan Mo siya ng iyong kamay ngayon, at galawin Mo ang lahat niyang tinatangkilik, at itatakuwil Ka niya ng mukhaan.

Job 2:1–5 Nangyari uli na sa araw nang pagparoon ng mga anak ng Diyos upang magsiharap kay Jehova, na nakiparoon din si Satanas, upang humarap kay Jehova. At sinabi ni Jehova kay Satanas, Saan ka nanggaling? At si Satanas ay sumagot kay Jehova, at nagsabi, Sa pagpaparoo’t parito sa lupa, at sa pagmamanhik manaog doon. At sinabi ni Jehova kay Satanas, Iyo bang pinansin ang Aking lingkod na si Job? sapagka’t walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na lalake, na natatakot sa Diyos, at humihiwalay sa kasamaan: at siya’y namamalagi sa kaniyang pagtatapat, bagaman ako’y kinilos Mo laban sa kaniya, upang ilugmok siya ng walang kadahilanan. At si Satanas ay sumagot kay Jehova, at nagsabi, Balat kung balat, oo, lahat na tinatangkilik ng tao ay ibibigay dahil sa kaniyang buhay. Nguni’t pagbuhatan Mo ngayon ng Iyong kamay, at galawin Mo ang kaniyang buto at ang kaniyang laman, at kaniyang itatakuwil Ka ng mukhaan.

Tulad ng nakatala sa Aklat ni Job, ang dalawang siping ito na sinabi ni Satanas at ang mga bagay na ginawa ni Satanas ay kumakatawan sa paglaban nito sa Diyos sa Kanyang anim na libong taon na plano ng pamamahala—nabubunyag rito ang tunay na kulay ni Satanas. Nakita mo na ba ang mga salita at mga gawa ni Satanas sa totoong buhay? Kapag nakita mo ang mga iyon, maaaring hindi mo maiisip na ang mga iyon ay mga bagay na winika ni Satanas, sa halip ay iisipin mo na ang mga iyon ay mga bagay na winika ng tao. Ano ang kinakatawan kapag ang mga ganoong bagay ay winika ng tao? Si Satanas ang kinakatawan. Kahit na nakikilala mo ito, hindi mo pa rin maiisip na ito talaga ang winika ni Satanas. Subalit ngayon mismo maliwanag na nakita mo kung ano ang sinabi mismo ni Satanas. Ikaw ngayon ay mayroong isang maliwanag at napakalinaw na pagkaunawa sa nakakasuklam na mukha at kasamaan ni Satanas. Kung gayon, ang dalawang sipi bang ito na winika ni Satanas ay mahalaga para sa mga tao ngayon upang malaman ang kalikasan ni Satanas? Dapat bang maingat na tandaan ang dalawang siping ito upang makilala ng kasalukuyang sangkatauhan ang nakakasuklam na mukha ni Satanas, upang makilala ang orihinal at tunay na mukha ni Satanas? Bagaman ang pagsasabi nito ay tila hindi angkop, ang pagpapahayag ng mga salitang ito sa ganitong paraan ay maituturing pa ring tumpak. Tunay na maipapaliwanag Ko lamang ang ideyang ito sa ganitong paraan, at kung kaya ninyong maunawaan ito, kung gayon ay sapat na iyon. Paulit-ulit na tinutuligsa ni Satanas ang mga bagay na ginagawa ni Jehova, nagpaparatang tungkol sa takot ni Job sa Diyos na si Jehova. Tinatangka ni Satanas na udyukan si Jehova sa iba’t ibang mga paraan upang mapapayag si Jehova na tuksuhin nito si Job. Ang mga salita nito kung gayon ay lubhang nakakapukaw ng galit. Kaya sabihin sa Akin, sa sandaling masabi ni Satanas ang mga salitang ito, makikita ba nang malinaw ng Diyos kung ano ang nais gawin ni Satanas? (Oo.) Sa puso ng Diyos, ang taong si Job na tinutunghayan ng Diyos—ang lingkod na ito ng Diyos, na itinuturing ng Diyos na isang matuwid na tao, isang perpektong tao—maaari kaya niyang mapaglabanan ang ganitong uri ng tukso? (Oo.) Bakit ganoon na lang katiyak ang Diyos tungkol diyan? Palagi bang sinusuri ng Diyos ang puso ng tao? (Oo.) Si Satanas ba kung gayon ay nakakasuri ng puso ng tao? Hindi ito kaya ni Satanas. Kahit na makita pa ni Satanas ang puso ng tao, ang masamang kalikasan nito ay hindi kailanman magtutulot dito na maniwala na ang kabanalan ay kabanalan, o na ang nakaririmarim ay nakaririmarim. Hindi kailanman maaaring pahalagahan ng masamang si Satanas ang anumang bagay na banal, matuwid o maliwanag. Hindi maiiwasan ni Satanas na walang-pagod na gawin ang naaayon sa kalikasan nito, sa kasamaan nito, at ang mga paraang nakasanayan nito. Kahit na maparusahan o mapuksa pa ito ng Diyos, hindi ito nag-aatubili na mahigpit na tutulan ang Diyos—ito ang kasamaan, ito ang kalikasan ni Satanas. Kaya sa siping ito, sinasabi ni Satanas: “Balat kung balat, oo, lahat na tinatangkilik ng tao ay ibibigay dahil sa kaniyang buhay. Nguni’t pagbuhatan Mo ngayon ng Iyong kamay, at galawin Mo ang kaniyang buto at ang kaniyang laman, at kaniyang itatakuwil Ka ng mukhaan.” Iniisip ni Satanas na ang takot ng tao sa Diyos ay dahil sa pagkakamit ng tao ng napakaraming pakinabang mula sa Diyos. Ang tao ay nagkakamit ng mga pakinabang mula sa Diyos, kung kaya sinasabi niya na ang Diyos ay mabuti. Subalit hindi ito dahil sa ang Diyos ay mabuti, ito ay dahil lamang sa ang tao ay nagkakamit ng napakaraming pakinabang na maaaring katakutan niya ang Diyos sa ganitong paraan. Sa sandaling alisin ng Diyos sa kanya ang mga pakinabang na ito, tatalikuran na niya ang Diyos. Sa masamang kalikasan ni Satanas, hindi ito naniniwala na ang puso ng tao ay tunay na maaaring matakot sa Diyos. Dahil sa masamang kalikasan nito hindi nito alam kung ano ang kabanalan, lalong hindi nito nalalaman kung ano ang may takot na pagpipitagan. Hindi nito alam kung ano ang kahulugan ng pagsunod sa Diyos o kung ano ang matakot sa Diyos. Dahil hindi nito alam ang mga bagay na ito, iniisip nito na hindi rin magagawa ng tao na matakot sa Diyos. Sabihin sa Akin, hindi ba masama si Satanas? Maliban sa ating iglesia, wala sa iba’t ibang mga relihiyon at mga denominasyon, o mga grupong panrelihiyon at panlipunan, ang naniniwala sa pag-iral ng Diyos, lalo nang hindi sila naniniwala na ang Diyos ay nagkatawang-tao at ginagawa ang gawain ng paghatol, kaya iniisip nila na ang iyong pinaniniwalaan ay hindi ang Diyos. Kapag tumitingin ang isang taong mahalay sa kanyang paligid, ang tingin niya ay mahalay rin ang lahat tulad niya. Ang isang tao na nagsisinungaling sa lahat ng oras ay walang ibang nakikita kundi kawalang-katapatan at kasinungalingan kapag tumitingin ito sa paligid. Nakikita ng isang masamang tao ang lahat bilang masama at nagnanais na labanan ang lahat ng nakikita niya. Nakikita ng mga taong may kaunting katapatan ang lahat bilang tapat, kaya palagi silang naloloko, palaging nadadaya, at wala silang magagawang anuman tungkol dito. Ibinibigay Ko sa inyo ang ilang halimbawang ito upang patibayin ang inyong paniniwala: Ang masamang kalikasan ni Satanas ay hindi isang pansamantalang pamimilit o isang bagay na dulot ng mga pagkakataon, ni hindi ito isang pansamantalang pagpapamalas na dulot ng anumang kadahilanan o konteksto. Talagang hindi! Talaga lamang na walang magagawa si Satanas kundi ang maging ganito! Hindi ito makagagawa ng anumang mabuti. Kahit na kapag sinasabi nito ang isang bagay na masarap pakinggan, ito ay para akitin ka lamang. Habang lalong nakakalugod, habang lalong nakikibagay, habang lalong nagiging banayad ang mga salita nito, nagiging mas malisyoso ang masasamang intensyon sa likod ng mga salitang ito. Anong uri ng mukha, anong uri ng kalikasan ang ipinakikita ni Satanas sa dalawang siping ito? (Taksil, malisyoso at masama.) Ang pangunahing katangian ni Satanas ay kasamaan; higit sa ano pa man, si Satanas ay masama at malisyoso.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger