Christian Dance | "Ang Magagandang Tanawin ng Kaharian ay Palaging Parang Bago" | Praise Song

Hunyo 25, 2024

I

Isang sinag ng umaga ang sumisikat mula sa Silangan;

nagbalik na ang Tagapagligtas sa gitna ng sangkatauhan.

Nagsimula na ang buhay ng kaharian,

at ang lahat ng bagay ay muling sumigla.

Dumating na ang bukang-liwayway;

lumalaganap ang liwanag sa harap ng ating mga mata,

at sa wakas ay natupad na ang libo-libong taon na mga inaasam.

Ang lahat ng masasakit na araw at gabing iyon,

ang mga taon na iyon ng kalungkutan, ay wala na sa atin.

II

Namumukadkad ang mga bulaklak, humahalimuyak, at ang mga ibon ay umaawit.

Ang mga tao ng Diyos ay nangangaral at nagpapatotoo sa pagparito ng Anak ng tao,

lahat ay nagpapahayag ng kanilang mga damdamin.

Magdasal nang taimtim, umawit nang malakas,

magpatirapa sa harap ng trono, at purihin ang Diyos!

Mga brother mula sa malayo, at mga sister mula sa buong mundo,

sama-sama tayong magdiwang!

III

Ang Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw,

ay nagpakita sa katawang-tao para gawin ang Kanyang gawain sa gitna ng sangkatauhan.

Ipinapahayag Niya ang katotohanan para hatulan ang sangkatauhan,

dinadalisay at pineperpekto ng mga salita Niya ang isang grupo ng mga tao.

Tinutustusan ng mga salita ng Diyos ang puso natin;

ang pagkain at pag-inom ng mga salitang iyon ay nagtutustos sa buhay natin.

Taimtim mong inilalaan ang Iyong sarili,

ibinubuhos ko ang lahat ng aking pagsisikap;

sama-sama, nang may iisang puso at isipan, minamahal natin ang Diyos.

IV

Sino ang hindi magnanais na makapasok sa buhay ng Kapanahunan ng Kaharian?

Sino ang hindi mananabik dito?

Sa pamamagitan ng paghatol, nadadalisay ang ating katiwalian;

tayo ay nagpapasalamat at pinupuri natin ang Diyos.

Ang mga salita ng Diyos, na may awtoridad at kapangyarihan,

ang namuno sa ating tagumpay laban kay Satanas.

Ang lahat ng tao ng Diyos ay matapat na tumutupad sa kanilang mga tungkulin

para matugunan ang mga layunin ng Diyos.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger