Chat Room ng Ebanghelyo ng Kaharian: Mga Tampok na Bahagi ng Panayam | Paano Nakawala ang Isang Sikiyatra Mula sa Depresyon

Setyembre 24, 2026

Inirerekomenda:

Chat Room ng Ebanghelyo ng Kaharian, Ep. 6: Isang Tampok na Panayam kay Norma Perez, MD, Cuban na Residente sa US at Nakatataas na Sikiyatra

Si Norma Perez, MD, ay isang nakatataas na espesyalista sa sikiyatriya ng mga bata at kabataan. Isa rin siyang iskolar na matagal nang nasa larangan ng pagtuturo at pananaliksik sa medisina. Sa nakalipas na mga dekada, marami siyang natulungang kabataan na malampasan ang mga sikolohikal na paghihirap nila. Subalit, habang tumutulong sa iba, nakaranas siya ng sunod-sunod na mabibigat na dagok sa sarili niyang buhay. Maaga siyang namatayan ng anak, pumanaw ang mga magulang niya noong siya ay nasa mahigit 30 taong gulang, at nawalan siya ng asawa sa kanyang katanghaliang-gulang. Dahil sa magkakasunod at mabibigat na pagkawalang ito, matagal siyang namuhay sa pagdadalamhati at depresyon. Kahit na isa siyang eksperto sa sikiyatriya na nakakaunawa sa sikolohiya, medisina, at sa iba't ibang paraan ng paggagamot, hindi pa rin siya tuluyang nakawala mula sa kanyang panloob na pasakit at depresyon. Ilang dekada siyang nakipaglaban sa depresyon. Pagkatapos, sumapit ang kanyang buhay sa isang ganap na pagbabago. Hindi lang siya unti-unting nakaahon sa depresyong matagal nang nagpahirap sa kanya, kundi muli pa niyang natuklasan ang tunay na panloob na kapayapaan, kagalakan, at pag-asa. Ngayon, sa edad na 81, puno pa rin siya ng sigla at madalas na may ngiti sa kanyang mga labi. Mahirap isipin na ang optimistiko at payapang nakatatandang ito ay minsan nang namuhay sa depresyon at pasakit nang ganoon katagal. Ano ba talaga ang nakatulong sa isang sikiyatra, na matagal nang pinahirapan ng depresyon, na tuluyang makawala mula sa anino nito, nang hakbang-hakbang? Sa episode na ito ng Chat Room ng Ebanghelyo ng Kaharian, ihahatid namin sa inyo ang tunay at malalim na kuwento ng buhay ni Dr. Norma.

Tingnan ang iba pa

Leave a Reply

I-share

Kanselahin