Tagalog Christian Dance | "Ako ay Simpleng Susunod sa Diyos" | Praise Song
Hunyo 10, 2025
I
Sumusunod ako kay Cristo sa isang magaspang na landas.
Sa pagdurusa at pagpipino, nalalasap ko ang pagmamahal ng Diyos.
Sa pagkamit sa katotohanan, nagbabago ang disposisyon ko,
at sa paghatol, naliligtas ako.
Ang mga salita ng Diyos
ay matalim na espadang naglalantad sa katiwalian ko;
hinahatulan at dinadalisay ako, binabago ang buhay ko.
Sa pagkakita ko sa pagiging kaibig-ibig ng Diyos, hinahangad kong mahalin Siya,
ipinapangako ko ang buhay ko na susunod sa Diyos habang nabubuhay ako.
Buhay o patay man ako bukas, bumagsak man ang langit o bumiyak ang lupa,
simple akong susunod sa Diyos at tutupad sa tungkulin ko,
isinasagawa ang katotohanan para patotohanan ang Diyos.
Sa paglalakad ko, lalong lumiliwanag ang landas ng buhay ko.
II
Sumusunod ako kay Cristo sa isang magaspang na landas.
Nakilala ko na si Cristo ang praktikal na Diyos.
Sa gitna ng mga pagsubok at kapighatian, ginagabayan ako ng Diyos,
at nakakahanap ako ng lakas sa salita Niya.
Ang mga salita ng Diyos ay tunay na liwanag, tinatanglawan ang daan.
Puno ako ng pananalig,
at ganap akong determinadong sumunod sa Diyos.
Ang Diyos ang aking suporta, at hawak Niya ang buhay at kamatayan ko.
Paanong susuko ako sa mga diyablo at kay Satanas?
Buhay o patay man ako bukas, bumagsak man ang langit o bumiyak ang lupa,
simple akong susunod sa Diyos at tutupad sa tungkulin ko,
isinasagawa ang katotohanan para patotohanan ang Diyos.
Sa paglalakad ko, lalong lumiliwanag ang landas ng buhay ko.
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video