Mga Serye ng Sermon: Ang Paghahanap ng Katotohanan sa Pananalig | Paano Makikilala ang Nagkatawang-taong Anak ng Tao
Abril 22, 2026
Sa mga huling araw, ang nagkatawang-taong Anak ng tao—ang Makapangyarihang Diyos—ay nagpahayag ng mahigit sampung milyong salita at ginagawa Niya ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos. Maraming tao mula sa lahat ng relihiyon at denominasyon ang nakakita na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan. Lubos silang nakumbinsi, kinikilalang ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Lahat sila ay bumaling sa Makapangyarihang Diyos. Gayumpaman, dahil kinokondena ng mga pastor at elder ng mundo ng relihiyon at ng gobyerno ng CCP ang Makapangyarihang Diyos bilang isang ordinaryong tao lamang at sinasabing hindi Siya maaaring maging Diyos, ang ilang tao ay naililigaw. Hindi sila nangangahas na makasiguro na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Cristo ng mga huling araw, ang nagkatawang-taong Anak ng tao. Kaya paano ba talaga natin makikilala ang nagkatawang-taong Anak ng tao? Gagabayan kayo ng episode na ito ng Ang Paghahanap ng Katotohanan sa Pananalig sa paghahanap ng katotohanan at pagtuklas sa kasagutan.
Habang patuloy na dumarami ang mga sakuna, nagsisimulang matanto ng parami nang paraming tao na ang mga propesiya sa Bibliya ay hindi mga gawa-gawang kuwento lamang, kundi isang realidad na nangyayari sa mismong harapan natin. Walang nakakaalam kung ano ang mauuna: ang bukas ba, o isang hindi inaasahang sakuna. Kung gusto mong salubungin ang pagbabalik ng Panginoon kasama ng pamilya mo at maging ligtas sa ilalim ng proteksyon ng Diyos, i-click ang WhatsApp para sumali sa aming study group. Huwag mo na itong ipagpabukas.
Iba pang mga Uri ng Video