Mga Serye ng Sermon: Paghahanap ng Tunay na Pananampalataya | Pagkilala ng mga Huwad na Cristo Mula sa Tunay na Cristo

Nobyembre 23, 2022

Alam mo ba kung sino si Cristo? Kung alam mo nga na si Cristo ang Tagapagligtas na pumarito sa lupa, ngayong dumarating na ang mga kalamidad at nalalapit na ang mga huling araw, palagay mo ba’y kailangan mo ng isang Tagapagligtas? Kung kailangan mo ng isang Tagapagligtas, alam mo ba kung sino ang kailangan mong magligtas sa iyo? Personal na ipinropesiya ng Panginoong Jesus "ang pagparito ng Anak ng tao," "ang Anak ng tao ay mahahayag," "ang Anak ng tao ay darating," at "ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan," na nagpapakita na kapag bumalik ang Panginoon, Siya ay magkakatawang-taong muli bilang Anak ng tao, at ito ang pagpapakita ni Cristo sa sangkatauhan. Ipinropesiya rin ng Panginoong Jesus na sa mga huling araw, lilinlangin ng mga huwad na Cristo ang mga tao. Alam mo ba kung paano makilala ang tunay na Cristo mula sa mga huwad? Alam mo ba kung paano salubungin ang Tagapagligtas? Nauugnay ito sa tagumpay o kabiguan ng isang tao na manampalataya, at nauugnay sa kanilang huling kahihinatnan at hantungan! Ang bahaging ito ng Paghahanap ng Tunay na Pananampalataya ay gagabayan kang makita ang katotohanan at malaman ang sagot.

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger