Tagalog Christian Song With Lyrics | "Gaano Kahalaga Ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao"

Mayo 28, 2020

I

Ang Pag-ibig ng Diyos sa tao nakakamangha at kahanga-hanga Unang naipakita sa Biblia, sa istorya ni Adan at Eba, nakaka-antig at madamdamin ang Pag-ibig ng Diyos sa tao.

II

Ang umaapaw na pag-ibig ng Diyos malayang ibinigay sa tao. Inosente at puro, hindi nababagabag, puno ng biyaya sa buhay. Alaga siya ng Diyos, at laging sakop ng Kanyang pakpak. Lahat ng ating salita't gawa, ay kaugnay ng Diyos at di mai-wawalay.

III

Mula nang unang likhain ang sangkatauhan, nasa isip ng Diyos, protektahan at laging bantayan Nais Niyang manalig ang tao sa Kanya (ang tao sa Kanya). At sundin ang Kanyang Salita, ito ang inasahan ng Diyos sa sangkatauhan.

IV

Dala ang pag-asang ito, sinabi ng Diyos: "Bawat puno sa hardin, Malaya kang kumain, maliban lang sa puno ng kaalaman ng mabuti't masama (mabuti't masama). 'Pagkat sa araw na kinain mo 'yon, tiyak kang mamamatay." Mga simpleng salita, sumasagisag ng nais Niya, nagpapakita ng malasakit ng Diyos para sa atin.

V

Sa mga simpleng salita, laman ng puso Niya'y nakita. May pag-ibig ba? Malasakit at Kalinga? Ito ay nadarama, pag-ibig Niya at alaga. Ng taong may konsensya at may pagkatao, may kasiyahang dala ng Kanyang biyaya.

VI

Dahil sa 'yong nadarama (nadarama), ano ngayon ang tugon mo sa Diyos? Kakapit ka ba sa Kanya? Mapitagang pag-ibig lalago sa puso? At sa Diyos ay mas lalapit pa? Mahalaga ang pag-ibig ng Diyos, ngunit mas mahalaga na dama't unawa ng tao. Mahalaga ang pag-ibig ng Diyos, ngunit mas mahalaga na dama't unawa ng tao.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin