Christian Dance | "Labis na Pinagpala ang mga Nagmamahal sa Diyos" | Praise Song

Mayo 15, 2024

I

Maligaya ang mga nagmamahal sa Diyos;

tinatamasa nila ang gawain at patnubay ng Banal na Espiritu.

Naliliwanagan at natatanglawan sila sa pagbabasa ng salita ng Diyos;

lumiliwanag ang mga puso nila't may landas silang masusundan.

Naghihimagsik sila laban sa laman at iniiwan nila ang sekular na mundo;

kayligayang mamuhay sa harap ng Diyos.

Nang may pagkonsidera sa puso ng Diyos, ginagampanan nang maayos ang tungkulin nila,

masaya't payapa ang espiritu nila.

Maligaya ang mga nagmamahal sa Diyos;

alaga sila sa paghatol at pagkastigo.

Habang tinatanggap ang paghatol, nalilinis sila,

at nagdadala ng luwalhati sa Diyos ang mga pagbabago sa disposisyon nila.

Maligaya ang mga nagmamahal sa Diyos;

ang pagsunod sa kalooban Niya'y itinuturing nilang bokasyong panglangit.

Isinasagawa ang katotohanan at nagpapasakop sa Diyos,

may takot sila sa Diyos at namumuhay sa liwanag.

Maligaya ang mga nagmamahal sa Diyos.

II

Maligaya ang mga nagmamahal sa Diyos;

natatanggap nila ang mga pagsubok at pagpeperpekto Niya.

Katabi nila Siya sa sakit at paghihirap,

natitikman nila kung gaano katotoo ang pag-ibig Niya.

Tinatakasan ang impluwensiya ni Satanas, kaisa sila ng puso't isip ng Diyos.

Sa pamamagitan ng pagpipino, mas nagiging dalisay ang pagmamahal nila,

dadakilain Siya at magpapatotoo sila sa Diyos magpakailanman.

Maligaya ang mga nagmamahal sa Diyos;

nagpapasailalim sila sa mga pagsasaayos Niya sa hirap at ginhawa.

Matapat silang sumusunod sa Diyos hanggang sa kamatayan

at ginugugol ang buong buhay nila para sa Kanya.

Maligaya ang mga nagmamahal sa Diyos;

Siya'y sinasamba nila nang may puso at katapatan.

Sila'y nagiging katapatang-loob Niya,

tumatanggap ng mga pangako't pagpapala Niya.

Maligaya ang mga nagmamahal sa Diyos.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin