Tagalog Testimony Video | "Paalam sa Gawaing Walang Bunga"
Marso 4, 2022
Sa kanyang tungkulin ng pagdidilig sa iglesia, nakita ng bida na si Sister Cheng, ang kapatid na gumagawa kasama niya, ay may pasanin sa kanyang tungkulin, magaling sa paglutas ng mga problema ng iba, at hinahangaan ng mga kapatid. Kalaunan, nang napili si Sister Cheng bilang isang lider ng grupo, nainggit ang bida at nagsimulang lihim na gumawa para malampasan si Sister Cheng; siya'y namumuhay sa kalagayan ng pagsisikap para sa karangalan at pakinabang, at ang kanyang puso ay puno ng kadiliman at sakit. Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos at paghahanap sa katotohanan, nagkamit siya ng kaunting pagkaunawa sa kanyang tiwaling disposisyon at nakitang ang pakikipaglaban para sa reputasyon at katayuan ay ang landas ng isang anticristo. Nagdasal siya at nagsisi sa Diyos, tinalikdan ang laman, at isinagawa ang mga salita ng Diyos. Sa huli, siya'y napalaya mula sa mga pagpigil ng karangalan at katayuan at ang kanyang espiritu ay napalaya.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video