Tagalog Christian Dance | "Pagtitipon sa Sion" | Praise Song

Pebrero 9, 2025

I

Nagpapahayag ng katotohanan si Cristo ng mga huling araw,

nagpapakita Siya sa lupa sa Silangan.

Lahat ng tao'y lumuluhod at sumasamba,

inaawit nila sa Diyos ang kanilang papuri.

Ang buong sansinukob ay papanibaguhin;

ang buong mundo ay puno ng papuri.

Ang mundo ay puno ng katuwiran ng Diyos,

dahil ito'y naging langit at lupa ng Diyos.

O Sion! O Sion! Tahanan ng Diyos, isang lugar na maganda't masaya.

Ang magtipon ay isang kagalakang walang katulad;

magtatamasa tayo ng kaligayahan ng pamilya kasama ang Diyos.

II

Lumiliwanag ang mukha ng Diyos sa kaligayahan;

dumating na ang araw ng Diyos.

Sinasalubong Siya ng mga puting ulap sa langit,

dahil nagbalik Siyang matagumpay.

Napakasaya ng puso ng Diyos,

panatag ang puso Niya—labis Siyang nasasabik.

Nagbalik na ang Diyos sa Kanyang tahanan,

at muli Niyang nalalasap ang init ng pamilya.

O Sion! O Sion! Tahanan ng Diyos, isang lugar na maganda't masaya.

Ang magtipon ay isang kagalakang walang katulad;

magtatamasa tayo ng kaligayahan ng pamilya kasama ang Diyos.

III

Lumilitaw at nagliliwanag ang kaluwalhatian ng Diyos;

bundok ay nagsasaya at tubig ay tumatawa.

Ang araw at buwan at mga bituin ay umiikot at humahanay para sumalubong.

Kinukumpleto Niya ang anim na libong taong plano,

at matagumpay na nagbabalik.

Tayo'y nagsasaya at tumatalon sa galak, sapagkat ang Diyos ay naghahari sa lupa.

O Sion! O Sion! Tahanan ng Diyos, isang lugar na maganda't masaya.

Ang magtipon ay isang kagalakang walang katulad;

magtatamasa tayo ng kaligayahan ng pamilya kasama ang Diyos.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin