Christian Dance | "Malapit na Sumusunod" | Praise Song
Enero 7, 2025
I
Napakasayang magtipon sa iglesia.
Hindi mailalarawan ng mga salita ang kagalakan sa ating puso.
Sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos araw-araw,
nauunawaan natin ang katotohanan.
Sa pagtanggap ng paghatol, nalilinis tayo,
at napupuno ng kapayapaan at kagalakan ang ating puso.
O Diyos! Alam Mong mababa ang aming tayog,
at higit pa riyan, alam Mong mahina ang aming kakayahan.
Pakiusap, bigyang-liwanag at tanglawan Mo ako
para maunawaan ko ang mas marami pang katotohanan.
Susundan Kita sa isang praktikal na paraan, at magpapatotoo ako sa Iyo.
II
Umaasa ang Diyos na mauunawaan ng mga tao ang katotohanan
at gagawin ang tungkulin nilang sundan Siya.
Dapat tayong magbasa ng mas maraming salita ng Diyos
para maunawaan ang mas maraming katotohanan.
Nang may iisang puso at isipan,
tinutupad natin ang ating mga tungkulin at ipinapalaganap ang ebanghelyo ng Diyos.
Sa gitna ng di-mabilang na balakid at hadlang,
ang Diyos ang Siyang gumagabay sa atin, para makapanindigan tayo sa ating patotoo.
Ginagawa natin ang ating tungkulin para suklian ang pagmamahal ng Diyos,
at hindi natin Siya puwedeng biguin.
Ang agarang layunin ng Diyos
ay ang ipalaganap ang ebanghelyo ng Diyos sa lahat ng dako.
III
Habang dumarating ang malalaking sakuna, nalalantad ang huling bahagi ng landas.
Sa pagbibigay ng malakas na patotoo, nakakamit natin ang pagsang-ayon ng Diyos.
Ang marurunong ay dapat na maghangad sa katotohanan,
at huwag nang maging tamad.
Gawin natin ang ating mga tungkulin nang maayos
at magpatotoo tayo para ipahiya si Satanas.
Ang bagong sayaw ng papuri sa Diyos ay nagiging mas nakakagalak,
at ang mga awit ng papuri sa Diyos ay umaalingawngaw sa buong mundo.
Para magpatotoo sa Diyos nang maayos,
dapat nating patatagin ang ating mga pagsisikap.
Dapat nating gayahin si Pedro, magpasakop hanggang kamatayan,
at mahalin ang Diyos sa sukdulan!
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video