Tagalog Christian Dance | "Sa Pagsunod sa Makapangyarihang Diyos, Tinatahak Natin ang Landas ng Liwanag" | Praise Song

Marso 8, 2025

I

Nagbalik na ang Tagapagligtas, at Siya ang Makapangyarihang Diyos.

Nagpapahayag Siya ng maraming katotohanan

para linisin at iligtas ang sangkatauhan.

Naririnig natin ang tinig ng Diyos at tayo'y bumabalik sa Kanya.

Araw-araw nating kinakain at iniinom ang salita ng Diyos

at nauunawaan ang katotohanan.

Malinaw nating nakikita ang ugat ng katiwalian at kasamaan ng tao.

Pinahirapan ni Satanas ang sangkatauhan, at ngayon ko ito nakilatis.

Mga salita ng Diyos lang ang makapagliligtas sa tao.

Sa pagsunod sa Diyos, tinatahak natin ang landas ng liwanag sa buhay;

lahat ito'y biyaya at pagpapala ng Diyos.

II

Bawat salita ng Diyos ay katotohanan,

naglalantad sa katiwalian ng tao, nahihiya't nagsisisi tayo dahil dito.

Sa pasakit at pagpipino, nakikita natin ang katuwiran ng Diyos;

nililinis ang ating tiwaling disposisyon, at natatanggap natin ang pagliligtas Niya.

Sa pagsunod sa Makapangyarihang Diyos, napakarami kong nakamit.

Gaano man kalaki ang mga pagsubok at paghihirap,

hindi ko iiwan ang Diyos.

Inaalay ko ang buong pagkatao ko sa Kanya at tapat na gagawin ang tungkulin ko,

tatapusin ang atas ng Diyos, at susuklian ang pagmamahal Niya.

Susunod ako hanggang sa wakas at magpapatotoo sa Makapangyarihang Diyos,

para matugunan ang mga layunin Niya.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin