Tagalog Testimony Video | "Mga Tanikala ng Kasikatan at Kasakiman"
Hulyo 10, 2020
Isang pinuno sa iglesia ang pangunahing tauhan, na kahit ikinalulugod niya ang pagsisilbi sa Diyos, kontrolado siya ng kanyang tiwaling disposisyon sa pag-aasam ng kasikatan at kasakiman. Lagi niyang ikinukumpara ang sarili sa kanyang mga kapatid sa pagganap ng tungkulin at ayaw niyang maging responsable sa gawain ng iglesia. Sa isang eleksyon sa iglesia, sadya niyang hindi ibinoto ang isang kapatid na mas magaling kaysa sa kanya, nang dahil sa inggit. Sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, nakita niya na ang pangalan at karangyaan ay mga 'di nakikitang tanikala ni Satanas na gumagapos sa sangkatauhan, at sa pag-aasam ng mga ito, taliwas ang landas niya sa Diyos. Kinasuklaman niya ang sarili at pinagsisihan ang kanyang mga nagawa, at nagsimulang pagtuunan ang pag-asam ng katotohanan at pagpapabuti sa kaniyang tungkulin. Sa wakas, malaya na siya sa mga tanikala ng kasikatan at kasakiman.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video