Ang mga Katunayan ng Mapaniil na Pag-uusig ng CCP sa mga Kristiyano, Ep. 31: Muntik Nang Mamatay ang Isang Babaeng Kristiyano sa Interogasyon ng CCP sa Ilalim ng Pagpapahirap
Oktubre 24, 2026
Sa episode na ito, tatalakayin namin ang kuwento ni Lin Hui, isang Kristiyano mula sa Lungsod ng Mianyang, Lalawigan ng Sichuan na inaresto ng mga pulis ng CCP, at muntik nang mamatay dahil sa interogasyon sa ilalim ng pagpapahirap. Noong Agosto 26, 2008, nasa isang taxi si Lin Hui nang arestuhin siya ng mga pulis at pagkatapos ay dinala sa isang lihim na lugar ng interogasyon. Paulit-ulit siyang ininteroga ng mga pulis tungkol sa impormasyon ng iglesia at malakas na ipinukpok sa ulo niya ang isang nagyeyelong bote ng tubig. … Tanghali noong Agosto 28, dinala ng mga pulis si Lin Hui sa Brigada ng Imbestigasyong Kriminal para interogahin. Doon, patuloy nila siyang pinilit na magbunyag kung nasaan ang mga handog ng iglesia, at isinailalim siya sa interogasyon sa ilalim ng pagpapahirap. Nakaposas ang mga kamay ni Lin Hui sa likod niya, at pinagsusuntok at pinagsisipa siya ng tatlong lalaking pulis. Ang isa sa kanila, na nagsanay sa martial arts nang apat na taon sa akademya ng pulisya, ay nagpaulan ng higit sa 30 na suntok nang magkakasunod sa kaliwang balikat niya. Patuloy rin siyang malakas na pinagsasampal sa ulo at mukha ng kapitan ng Brigada ng Pambansang Seguridad, at marahas na pinagsusuntok sa ulo. Habang nangyayari ang lahat ng ito, paulit-ulit na napapabagsak si Lin Hui, para lang malupit na sipain ng kapitan sa mga binti sa bawat pagkakataon at pilitin siyang tumayo ulit. Kalaunan, malakas na sinuntok ng kapitan ang mismong kaliwang suso niya. Muli siyang pinabagsak sa sahig, nanginginig ang buong katawan sa sakit … Pagkatapos ng pagpapahirap na ito, puro pasa at maga na ang mukha ni Lin Hui, nangingitim na ang kaliwang suso niya, at marami siyang pasa sa kanyang mga binti. Lubhang napinsala ang kasukasuan ng panga niya, nabali ang kaliwang balagat niya, at nalinsad ang kaliwang balikat niya. Mayroon din siyang apat na bitak sa mga tadyang sa kaliwang harapang bahagi at hindi bababa sa dalawang thoracic vertebrae na nawala sa hanay. Minsang naging kritikal ang kondisyon ni Lin Hui, pero mahimala siyang nakaligtas kalaunan. Noong Enero 9, 2009, nasentensiyahan si Lin Hui ng isa at kalahating taon ng re-edukasyon sa pamamagitan ng sapilitang paggawa. Pagkatapos makompleto ang kanyang sentensiya at mapalaya siya, patuloy na nagdusa si Lin Hui mula sa mga pangmatagalang epekto ng pagpapahirap sa kanya, na naging mahirap gamutin.
00:09 Mga Tampok na Bahagi
05:13 Si Lin Hui ay Inaresto, Ininteroga sa Ilalim ng Pagpapahirap, at Ipinahiya
15:52 Si Lin Hui ay Malupit na Pinahirapan Habang Iniinteroga
34:04 Si Lin Hui ay Nasa Kritikal na Kondisyon
49:51 Pangwakas na Pananalita at Impormasyon tungkol sa mga Salarin
Iba pang mga Uri ng Video