Ang mga Katunayan ng Mapaniil na Pag-uusig ng CCP sa mga Kristiyano, Ep. 29: Tatlong Babaeng Kristiyano ang Pinahirapan Habang Iniinteroga at Walang-Habas na Pinahiya ng CCP
Oktubre 4, 2026
Para pilitin ang mga Kristiyano na talikuran ang pananalig nila sa Diyos at ipagkanulo ang impormasyon ng iglesia, gumagamit ang mga pulis ng CCP ng lahat ng uri ng madugo, malupit, kasuklam-suklam, at masamang pamamaraan para pahirapan sila, at seksuwal pa silang inaabuso. Noong Pebrero 25, 2024, ang Kristiyanong si Li Li mula sa Xuzhou, Lalawigan ng Jiangsu ay biglang inaresto ng apat na pulis na nakasibilyan habang nasa trabaho at sapilitang dinala sa istasyon ng pulisya. Pagkatapos ay dinala si Li Li sa isang lihim na lugar para sa interogasyon, kung saan paulit-ulit siyang binugbog ng mga pulis at pinilit na maghubad para pahiyain siya, at kinuhanan ng litrato ang puwit niya nang labag sa kanyang loob. Noong Setyembre 28 ng taon ding iyon, inaresto ang isa pang Kristiyano sa Xuzhou na si Shen Lu sa gitna ng isang pagtitipon. Hindi lang pinahirapan ng mga pulis si Shen Lu, na 17 anyos lang noon, habang iniinteroga, kundi pinilit din siyang uminom ng alak at maghubad, kinukuhanan siya ng mga litrato nang nakadamit-panloob lang at ng mga video niya na lasing at wala sa sarili, at ipinost nila sa isang grupo sa WeChat ng mga pulis para hiyain siya. Noong Hulyo 11, 2023, inaresto ng mga pulis sa bahay niya si Liu Yuting na mula sa Dezhou, Lalawigan ng Shandong. Habang iniinteroga, binugbog ng mga pulis si Liu Yuting, sapilitang pinabukaka ang mga binti, matagal na ipinosas sa isang bakal na silyang pang-interogasyon, at paulit-ulit na kinuryente sa kanyang mga utong at ari gamit ang mga de-kuryenteng batuta. Dahil patuloy siyang tumanggi na pirmahan ang Tatlong Pahayag, sa huli ay nasentensiyahan si Liu Yuting ng isang taon at tatlong buwan ng pagkakakulong, at habang nakakulong, tinanggal siya sa pampublikong katungkulan at binawian ng lisensiya sa pagtuturo. Mula nang makalaya siya noong Enero 4, 2025, matapos ang sentensiya niya, palagi na siyang minamanmanan at nililigalig ng mga pulis.
00:35 Mga Tampok na Bahagi
03:36 Biglang Inaresto si Li Li ng mga Pulis sa Trabaho at Isinailalim sa Pagpapahirap at Seksuwal na Pamamahiya
25:33 Para Pilitin ang 17 Anyos Lang na si Shen Lu na Ipagkanulo ang Diyos, Pinahirapan Siya ng mga Pulis at Kinuhanan ng Litrato para Pahiyain Siya
35:27 Pagkaaresto, ang Gurong si Liu Yuting ay Pinahirapan Habang Iniinteroga at Seksuwal na Inabuso ng mga Pulis
45:44 Pangwakas na Pananalita at Impormasyon tungkol sa mga Salarin
Iba pang mga Uri ng Video