Ang mga Katunayan ng Mapaniil na Pag-uusig ng CCP sa mga Kristiyano, Ep. 21: Pagpapahirap sa Kulungan: Ginawang "Kaaway" ng mga Kapwa Bilanggo

Hulyo 29, 2026

Lubhang di-makatao ang CCP sa walang-habas na pagsupil at malupit na pag-uusig nito sa mga Kristiyano, na walang sinasanto. Kaya nitong gawin ang pinakakasuklam-suklam, walang-hiya, at ubod ng samang mga gawa. Malinaw na nakikita ng lahat ang katunayang ito. Kamakailan, kinapanayam namin si Wang Xiaoyu, isang Kristiyano mula sa Zhengzhou, Lalawigan ng Henan, na pinalaya pagkatapos pagdusahan ang kanyang sentensiya sa kulungan. Isinalaysay niya ang mga pinagdaanan niya sa likod ng mga rehas. Tumanggi siyang pumirma sa "Tatlong mga Pahayag" (ng garantiya, pagsisisi, at pagtalikod), at nang subukan siyang pilitin ng mga pulis na lapastanganin ang Diyos, pinili niyang tiisin ang lahat ng uri ng pagpapahirap kaysa sumuko. Dahil dito, ginawa siya ng mga guwardiya sa kulungan na kaaway ng lahat sa loob. Sa pamamagitan ng sama-samang pagpaparusa, sinulsulan ng mga guwardiya ang pagkamuhi sa kanya ng ibang mga bilanggo. Sadyang gumawa sila ng mga hidwaan, itinulak ang mga bilanggo na gumamit ng lahat ng uri ng ubod ng samang pamamaraan para pahirapan siya sa loob ng mahabang panahon. Isinalpak ng mga bilanggo ang basahang panlinis ng sahig sa bibig niya, sinampal ang mukha niya gamit ang suwelas ng sapatos nila, sapilitan siyang pinainom ng maruming tubig at ihi, kinurot ang mga utong niya, marahas na kinuskos ng toilet brush ang maselang bahagi ng katawan niya, at isiniksik ang gamit at madugong sanitary pad sa bibig niya, sinusubukan siyang pilitin na lunukin ito. Pinahirapan si Wang Xiaoyu hanggang sa hindi mailarawang pagdurusa—sobrang sakit ng naranasan niya na mas ginusto na lang niyang mamatay. Pagkatapos pagdusahan ang limang taong sentensiya sa kulungan, sa wakas ay pinalaya si Wang Xiaoyu, pero hindi pa rin siya tinantanan ng mga pulis. Palagi nila siyang nililigalig sa pamamagitan ng mga tawag at text. Habang papunta siya sa ospital para bantayan ang nanay niya, sinundan at ginambala pa nila siya hanggang sa loob ng ward para subukang pilitin siyang pumirma sa "Tatlong mga Pahayag." Pinagbantaan din nila siya, sinasabing kung hindi siya pipirma roon, aarestuhin siya ulit at bibigyan ng mas mabigat na sentensiya … Ngayon, sa pamamagitan ng salaysay ni Wang Xiaoyu, pakinggan natin ang di-makataong pang-aabuso at pagpapahirap na sinapit niya sa kulungan ng CCP, ang diyablo.

00:21 Mga Tampok na Bahagi

04:37 Sa Kulungan, Tiniis ni Wang Xiaoyu ang Matinding Trabaho, Sapilitang Pagbi-brainwash, at Pagpapahirap

14:52 Si Wang Xiaoyu ay Tumangging Pumirma sa "Tatlong mga Pahayag," Ginawa ng mga Guwardiya na Kaaway ng Ibang mga Bilanggo, at Dumanas ng Pagpapahirap at Pambubugbog sa Kanilang mga Kamay

29:33 Pinalaya si Wang Xiaoyu, Pero Nagkaroon Siya ng mga Pangmatagalang Pisikal na Epekto

32:39 Pangwakas na Pananalita

40:35 Impormasyon tungkol sa mga Salarin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin