Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paglalantad ng Katiwalian ng Sangkatauhan | Sipi 333

Agosto 18, 2020

Kung maglatag Ako ng kayamanan sa inyong harapan at malaya kayong makapipili nalalaman na hindi Ko kayo huhusgahan, pipiliin ng karamihan ang kayamanan at tatalikdan ang katotohanan. Ang mga mahuhusay sa inyo ay ipapaubaya ang mga kayamanan ngunit mag-aatubili na piliin ang katotohanan, habang ang pumapagitna ay sasamsamin ang mga kayamanan sa isang kamay at ang isa naman sa katotohanan. Sa paraang ito, hindi ba mangingibabaw ang inyong tunay na mga kulay? Sa pagpili sa pagitan ng katotohanan at mga bagay na kayo ay tapat, ang bawat isa ay gagawa ng gayong desisyon, ang inyong pag-uugali ay hindi magbabago. Ito ba ay hindi gayon? Kakaunti lang ba sa inyo ang nagpabaling-baling sa tama at mali? Sa paligsahan sa pagitan ng positibo at negatibo, itim at puti, batid ninyo ang mga pagpipiling nagawa sa pagitan ng pamilya at Diyos, mga anak at Diyos, kapayapaan at pagkagambala, kayamanan at kahirapan, katayuan at pangkaraniwan, ang suportado kaysa ipinagtatabuyan, at iba pa. Sa pagitan ng tahimik na pamilya kaysa ang nagkawatak-watak, inyong pinili ang nauna, at nang walang pag-aatubili; sa pagitan ng kayamanan at tungkulin, inyo ulit pinili ang nauna, maging kawalan ng lakas na bumalik sa baybayin; sa pagitan ng luho at kahirapan, inyong pinili ang nauna, sa pagitan ng mga anak, asawa at Ako, inyong pinili ang nauna; at sa pagitan ng palagay at katotohanan, inyong pinili muli ang nauna. Nahaharap sa lahat ng klase nang masasamang gawain ninyo, wala na Akong iba kundi kawalan nang paniniwala sa inyo. Talagang manghang-mangha Ako sa panlalaban ng inyong mga puso na ito ay mapalambot. Ang mahabang panahon ng dedikasyon at pagsisikap ay tila nagdala lamang sa Akin ng pagpayag at pagkabalisa ninyo sa Akin. Sa kabila nito, ang pag-asa Ko para sa inyo ay lalong lumalago sa paglipas ng mga araw, sapagkat ang Aking araw ay ganap nang nailatag sa harap ninyong lahat. Gayunman, patuloy ninyong hinahanap ang mga bagay na pagmamay-ari ng kadiliman at kasamaan, at tumatangging luwagan ang inyong pagkakakapit. Kung gayon, ano ang inyong kahihinatnan? Napag-isipan ninyo na ba ito nang mabuti dati? Kung papipiliin kayong muli, ano ang inyong magiging posisyon? Gaya pa rin ba nang dati? Ang ibibigay ninyo pa rin ba sa Akin ay kabiguan at matinding kalungkutan? Ang inyong mga puso lamang ba ang tanging nag-aalab? Hindi ninyo pa rin ba napagtatanto kung paano aliwin ang Aking puso? Sa mga sandaling ito, ano ang inyong pipiliin? Magpapasakop ba kayo sa Aking mga salita o mapapagal sa mga ito? Ang Aking araw ay nailatag na sa harap ng inyong mga mata at ang inyong kinakaharap ay bagong buhay at bagong simula. Subalit, sasabihin Ko sa inyo na itong panimula ay hindi umpisa ng nakaraang bagong gawain ngunit ang pagsasara ng luma. Iyan ay, ito ang huling yugto. Naniniwala Akong maiintindihan ninyo kung ano ang kakaiba sa panimulang ito. Pagdating ng araw, mauunawaan ninyo ang tunay na kahulugan ng panimulang ito, kaya’t sabay tayong maglalakad lampas nito at pasimulan ang kasunod na katapusan! Subalit, patuloy Akong hindi mapakali sa pagharap sa kawalan ng katarungan at katarungan, palagi ninyong pinipili ang nauna. Ngunit ang lahat ng ito ay sa inyong nakaraan. Umaasa rin Akong ibaon na sa limot ang mga nangyari sa inyong nakaraan, bawat isa nang paunti-unti, kahit na ito ay lubhang napakahirap gawin. Gayunman marami Akong magagandang paraan sa pagpapatupad nito. Hayaang palitan ng hinaharap ang nakalipas at hayaang iwaksi ang mga anino ng inyong nakaraan kapalit ng inyong tunay na sarili ngayon. Ang ibig sabihin ay aabalahin Ko kayong muli upang papiliin at nang sa gayon ay malaman Ko kung kanino kayo tapat.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kanino Ka Matapat?

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger