Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paglalantad ng Katiwalian ng Sangkatauhan | Sipi 300

Agosto 9, 2020

Makalipas ang ilang libong taon ng kasamaan, ang tao ay naging manhid at mapurol ang pag-iisip, isang demonyong kumakalaban sa Diyos, hanggang sa ang pagiging mapanghimagsik ng tao ay naitala sa mga aklat ng kasaysayan kung saan hindi man lang kayang isalaysay nang buo ng tao ang kaniyang mga mapag-alsang gawi—sapagkat ang tao ay talagang pinasama na nang husto ni Satanas, at nailigaw na ni Satanas na anupa’t hindi na malaman saan siya tutungo. Kahit sa ngayon, pinagtataksilan pa rin ng tao ang Diyos: Kapag nakikita ng tao ang Diyos, nagtataksil siya sa Kaniya, at kapag hindi niya nakikita ang Diyos, Siya’y pinagtataksilan pa rin niya. Mayroon ngang ibang nakasaksi na sa sumpa ng Diyos at sa poot ng Diyos, pinagtataksilan pa rin Siya. Kung kaya masasabi ko na ang katinuan ng tao ay wala na sa orihinal na gamit, at ang konsensya ng tao, gayundin, ay wala na sa orihinal na gamit. Ang tao na Aking itinatangi ay isang hayop sa anyong tao, isa siyang makamandag na ahas, at gaano man siya magmukhang kahabag-habag, hinding-hindi Ko siya kaaawaan, sapagkat ang tao ay wala nang unawa sa pagkakaiba ng itim at puti, sa pagkakaiba ng kung ano ang totoo at di-totoo. Ang katinuan ng tao ay naging manhid, ngunit siya ay patuloy na naghahangad ng mga pagpapala; ang kaniyang pagkatao ay naging masyadong walang-dangal ngunit naghahangad pa rin siya na taglayin ang kapangyarihan ng isang hari. Kanino kaya siya magiging hari sa gayong katinuan? Papaano siya sa gayong katauhan uupo sa isang trono? Tunay na walang kahihiyan ang tao! Siya ay isang palalong kahabag-habag! Para sa inyong nagnanais na makamtan ang mga pagpapala, ipinapayo Kong humarap muna kayo sa salamin at tingnan ang inyong sariling pangit na larawan—taglay mo ba ang katangian ng pagiging hari? Taglay mo ba ang katangian ng isang magtatamo ng mga pagpapala? Wala ka pa ring ginawa ni katiting na pagbabago sa iyong mga disposisyon at hindi mo isinasagawa ang katotohanan, ngunit ikaw ay naghahangad pa rin ng isang magandang kinabukasan. Nililinlang mo lang ang iyong sarili! Isinilang sa isang napakaruming daigdig, ang tao ay sinira na nang labis ng lipunan, siya ay inimpluwensiyahan ng mga etikang pyudal, at tinuruan sa “mga dalubhasaan.” Ang paurong na kaisipan, masamang moralidad, masamang pagtanaw sa buhay, kasuklam-suklam na pilosopiya, lubos na walang saysay na pag-iral, at napakabuktot na uri ng pamumuhay at mga kaugalian—lahat ng mga bagay na ito ay ang matinding nanghimasok sa puso ng tao, at matinding nagpahina ng kaniyang katuwiran at inusig ang kanyang konsensya. Bilang resulta, ang tao ay mas lalong malayo sa Diyos, at mas lalong naging tutol sa Kaniya. Ang disposisyon ng tao ay lalong nagiging mas mabangis sa bawa’t araw, at wala ni isa mang tao ang magkukusa na talikdan ang anuman para sa Diyos, kahit isang tao na kusang susunod sa Diyos, ni, higit pa rito, isang tao na magkukusang maghanap sa pagpapakita ng Diyos. Sa halip, sa ilalim ng sakop ni Satanas, ang tao ay walang ginawa kundi magpatuloy sa pagpapakasaya, ibinibigay ang sarili sa kasamaan ng laman sa pusali. Marinig man nila ang katotohanan, ang mga nananahan sa kadiliman ay hindi mag-iisip isagawa ito, ni hindi nakahandang matamo ang Diyos kahit na namamasdan nila ang Kanyang pagpapakita. Papaanong ang isang sangkatauhan na ubod nang sama ay magkakaroon ng pagkakataon sa kaligtasan? Papaanong ang isang sangkatauhan na napakasama ay mabubuhay sa liwanag?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin