Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 534

Setyembre 14, 2020

Kung nais mong mapuri ng Diyos, kailangan mo munang tumakas mula sa madilim na impluwensya ni Satanas, buksan ang iyong puso sa Diyos at ibaling ito sa Kanya nang lubusan. Pupurihin ba ng Diyos ang mga bagay na ginagawa mo ngayon? Naibaling mo na ba ang puso mo sa Diyos? Ang mga nagawa mo ba ay mga bagay na hinihingi sa iyo ng Diyos? Naaayon ba ang mga iyon sa katotohanan? Suriin mo ang iyong sarili sa lahat ng oras at tumutok sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos; ilatag mo ang nilalaman ng puso mo sa Kanyang harapan, mahalin mo Siya nang tapat, at matapat mong gugulin ang iyong sarili para sa Diyos. Ang mga taong gumagawa nito ay tiyak na tatanggap ng papuri ng Diyos.

Lahat niyaong naniniwala sa Diyos, subalit hindi naghahangad na matamo ang katotohanan, ay walang paraan upang makatakas mula sa impluwensya ni Satanas. Lahat niyaong hindi nabubuhay nang may katapatan, na maganda ang asal sa harap ng iba ngunit iba ang asal pagtalikod nila, na nagpapakita ng pagpapakumbaba, pasensya, at pagmamahal bagama’t ang diwa nila ay mapanira, tuso, at hindi tapat sa Diyos—ang gayong mga tao ay tipikal na mga kinatawan niyaong mga nabubuhay sa ilalim ng impluwensya ng kadiliman; sila ang mga kauri ng ahas. Yaong mga naniniwala lamang sa Diyos para sa sarili nilang pakinabang, mapagmagaling at mayabang, mapagpasikat, at pinoprotektahan ang sarili nilang katayuan ay mga taong nagmamahal kay Satanas at kumokontra sa katotohanan. Ang mga taong ito ay lumalaban sa Diyos at lubos na nabibilang kay Satanas. Yaong mga hindi pumapansin sa mga pasanin ng Diyos, na hindi naglilingkod sa Diyos nang buong-puso, na laging inaalala ang sarili nilang mga interes at ang interes ng kanilang pamilya, na hindi magawang iwanan ang lahat upang gugulin ang kanilang sarili para sa Diyos, at na hindi kailanman namumuhay ayon sa Kanyang mga salita ay mga taong hindi sakop ng Kanyang mga salita. Ang ganitong mga tao ay hindi maaaring tumanggap ng papuri ng Diyos.

Nang likhain ng Diyos ang mga tao, ito ay upang matamasa nila ang Kanyang kasaganaan at tunay Siyang mahalin; sa ganitong paraan, mabubuhay ang mga tao sa Kanyang liwanag. Ngayon, tungkol naman sa lahat niyaong hindi kayang mahalin ang Diyos, hindi pinapansin ang Kanyang mga pasanin, hindi magawang ibigay nang lubusan ang kanilang puso sa Kanya, hindi magawang umayon sa Kanyang puso, at hindi kayang dalhin na parang kanila ang Kanyang mga pasanin—ang liwanag ng Diyos ay hindi sumisikat sa gayong mga tao, samakatuwid ay nabubuhay silang lahat sa ilalim ng impluwensya ng kadiliman. Sila ay nasa landas na lubhang salungat sa kalooban ng Diyos, at walang bahid ng katotohanan ang anumang kanilang ginagawa. Nakalublob sila sa burak na kasama ni Satanas; sila ay mga taong nabubuhay sa ilalim ng impluwensya ng kadiliman. Kung madalas kang makakakain at makakainom ng mga salita ng Diyos at makakasunod sa Kanyang kalooban at maisasagawa ang Kanyang mga salita, nabibilang ka sa Diyos, at ikaw ay isang taong namumuhay ayon sa Kanyang mga salita. Handa ka bang tumakas mula sa sakop ni Satanas at mabuhay sa liwanag ng Diyos? Kung namumuhay ka ayon sa mga salita ng Diyos, magkakaroon ng pagkakataon ang Banal na Espiritu na gampanan ang Kanyang gawain; kung nabubuhay ka sa ilalim ng impluwensya ni Satanas, hindi mo mabibigyan ng gayong pagkakataon ang Banal na Espiritu. Ang gawaing ginagampanan ng Banal na Espiritu sa mga tao, ang liwanag na Kanyang pinasisikat sa kanila, ang tiwalang ibinibigay Niya sa kanila ay tumatagal lamang nang isang saglit; kung ang mga tao ay hindi maingat at hindi nag-uukol ng pansin, lalampasan sila ng gawain ng Banal na Espiritu. Kung namumuhay ang mga tao ayon sa mga salita ng Diyos, sasakanila ang Banal na Espiritu at gagawaan sila. Kung ang mga tao ay hindi namumuhay ayon sa mga salita ng Diyos, nabubuhay sila sa mga gapos ni Satanas. Kung nabubuhay ang mga tao na may mga tiwaling disposisyon, wala sa kanila ang presensya o gawain ng Banal na Espiritu. Kung namumuhay ka ayon sa mga salita ng Diyos, at kung nabubuhay ka sa kalagayang hinihingi ng Diyos, nabibilang ka sa Kanya, at gagawaan ka Niya; kung hindi ka namumuhay ayon sa mga hinihingi ng Diyos, kundi sa halip ay nabubuhay ka sa ilalim ng sakop ni Satanas, tiyak na namumuhay ka ayon sa katiwalian ni Satanas. Kapag namuhay ka ayon sa mga salita ng Diyos at ibinigay mo ang iyong puso sa Kanya, saka mo lamang matutugunan ang Kanyang mga hinihingi; kailangan mong gawin ang sinasabi ng Diyos, gawing pundasyon ng iyong pag-iral at realidad ng iyong buhay ang Kanyang mga pahayag; saka ka lamang mapapabilang sa Diyos. Kung talagang namumuhay ka alinsunod sa kalooban ng Diyos, gagawaan ka ng Diyos at sa gayon ay mabubuhay ka sa ilalim ng Kanyang mga pagpapala, sa liwanag ng Kanyang mukha; mauunawaan mo ang gawaing ginagampanan ng Banal na Espiritu at madarama ang kagalakan ng presensya ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tumakas Mula sa Impluwensya ng Kadiliman, at Kakamtin Ka ng Diyos

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger