Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 508

Oktubre 29, 2020

Kung ang mga tao ay nahuhulog sa ilalim ng impluwensiya ni Satanas, wala silang pag-ibig para sa Diyos sa loob nila, at ang kanilang dating mga pangitain, pag-ibig, at pasiya ay naglaho na. Dating nadarama ng mga tao na dapat silang magdusa para sa Diyos, nguni’t sa kasalukuyan iniisip nila na kahiya-hiya ang gawin iyon, at hindi sila nauubusan ng mga reklamo. Ito ang gawain ni Satanas, isang tanda na ang tao ay nahulog na sa ilalim ng sakop ni Satanas. Kung makatatagpo mo ang kalagayang ito dapat kang manalangin, at baligtarin mo ito sa lalong madaling panahon—iingatan ka nito laban sa mga pag-atake ni Satanas. Sa panahon ng mapait na pagpipino madaling nahuhulog ang tao sa ilalim ng impluwensiya ni Satanas, kaya paano mo dapat ibigin ang Diyos sa panahon ng gayong pagpipino? Dapat mong tipunin ang iyong kalooban, ialay ang iyong puso sa harap ng Diyos at ilaan ang iyong huling sandali sa Kanya. Paano ka man pinipino ng Diyos, dapat mong maisagawa ang katotohanan upang palugurin ang kalooban ng Diyos, at dapat kang magkusa sa sarili mo na hanapin ang Diyos at hangaring makipagniig. Sa mga panahong kagaya nito, habang lalo kang walang kibo, lalo kang magiging mas negatibo at magiging mas madali para sa iyo na umurong. Kapag kinakailangan mo na gawin ang iyong tungkulin, bagama’t hindi mo ito nagagawa nang maayos, gawin mo ang lahat ng iyong makakaya, at gawin ito gamit lamang ang walang iba kundi ang iyong pag-ibig sa Diyos; anuman ang sinasabi ng iba—sinasabi man nilang mahusay ang nagawa mo, o na hindi maganda ang nagawa mo—ang iyong mga intensyon ay tama, at hindi ka mapagmagaling, sapagka’t ikaw ay kumikilos sa ngalan ng Diyos. Kapag mali ang pakahulugan sa iyo ng iba, nagagawa mong manalangin sa Diyos at sinasabi: “O Diyos! Hindi ko hinihiling na pagtiisan ako ng iba o tratuhin ako nang maayos, ni maintindihan o sang-ayunan nila ako. Hinihiling ko lamang na magawa kong ibigin Ka sa puso ko, na mapalagay ako sa aking puso, at na maging malinis ang aking konsiyensya. Hindi ko hinihiling na purihin ako ng iba, o tingalain ako; hinahangad ko lamang na mapalugod Ka mula sa aking puso; ginagawa ko ang aking tungkulin sa abot ng aking makakaya, at bagaman ako ay hangal, mangmang, may mahinang kakayahan at bulag, nalalaman ko na Ikaw ay kaibig-ibig, at nakahanda akong ilaan ang lahat ng mayroon ako sa Iyo.” Sa sandaling manalangin ka sa ganitong paraan, ang iyong pag-ibig para sa Diyos ay lilitaw, at mas lalong giginhawa ang iyong pakiramdam sa puso mo. Ito ang kahulugan ng pagsasagawa sa pag-ibig sa Diyos. Habang dumaranas ka, dalawang beses kang mabibigo at isang beses na magtatagumpay, o kung hindi naman ay mabibigo nang limang beses at dalawang beses na magtatagumpay, at habang nakararanas ka sa ganitong paraan, tanging sa gitna ng kabiguan magagawa mong makita ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos at matutuklasan kung ano ang kulang sa loob mo. Sa susunod na makatagpo mo ang gayong mga sitwasyon, dapat mong ingatan ang sarili mo, gawing mahinahon ang iyong mga hakbang, at manalangin nang mas madalas. Unti-unti mong mapapaunlad ang iyong kakayahan na magtagumpay sa gayong mga sitwasyon. Kapag nangyari iyon, naging mabisa ang iyong mga panalangin. Kapag nakita mong naging matagumpay ka sa pagkakataong ito, malulugod ka sa loob, at kapag nananalangin ka magagawa mong madama ang Diyos, at na ang presensiya ng Banal na Espiritu ay hindi ka pa nilisan—sa gayon mo lamang malalaman kung paano gumagawa sa loob mo ang Diyos. Ang pagsasagawa sa ganitong paraan ay magbibigay sa iyo ng landas sa pagdanas. Kung hindi mo isasagawa ang katotohanan, mawawala ang presensiya ng Banal na Espiritu sa loob mo. Nguni’t kung isasagawa mo ang katotohanan kapag nakaharap mo ang mga bagay-bagay kung ano sila, bagama’t nasasaktan ang iyong kalooban, mapapasaiyo ang Banal na Espiritu pagkaraan, magagawa mong madama ang presensiya ng Diyos kapag ikaw ay nananalangin, magkakaroon ka ng lakas upang isagawa ang mga salita ng Diyos, at sa panahon ng pakikipagniig sa iyong mga kapatid wala nang magiging mabigat sa iyong konsensiya at ikaw ay mapapanatag, at sa ganitong paraan, magagawa mong mailantad and iyong nagawa. Anuman ang sabihin ng iba, magagawa mong magkaroon ng isang normal na relasyon sa Diyos, hindi ka mapipigilan ng iba, ikaw ay aangat sa lahat—at sa ganito, maipakikita mo na ang iyong pagsasagawa sa mga salita ng Diyos ay naging mabisa.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Pagpipino Maaaring Magtaglay ang Tao ng Tunay na Pag-ibig

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger