Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 491

Oktubre 30, 2020

Noong panahon na nasa katawang-tao ang Diyos, hindi kasama sa pagpapasakop na hinihiling Niya sa mga tao ang pagpipigil na manghusga o lumaban, na tulad ng iniisip nila; sa halip, hinihiling Niya sa mga tao na gamitin ang Kanyang mga salita bilang kanilang prinsipyong susundin sa buhay at bilang pundasyon ng kanilang pananatiling buhay, na talagang walang pasubaling isagawa nila ang diwa ng Kanyang mga salita, at lubos nilang palugurin ang Kanyang kalooban. Ang isang aspeto ng paghiling sa mga tao na magpasakop sa Diyos na nagkatawang-tao ay tumutukoy sa pagsasagawa ng Kanyang mga salita, samantalang ang isa pang aspeto ay tumutukoy sa kakayahang magpasakop sa Kanyang pagiging normal at praktikal. Ang mga ito ay kailangang kapwa tiyak. Yaong mga makakatamo ng dalawang aspetong ito ay lahat ng yaong nagkikimkim ng tunay na pagmamahal sa kanilang puso para sa Diyos. Silang lahat ay mga taong naangkin na ng Diyos, at mahal nilang lahat ang Diyos tulad ng pagmamahal nila sa kanilang sariling buhay. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay may normal at praktikal na pagkatao sa Kanyang gawain. Sa ganitong paraan, ang Kanyang panlabas na anyo na kapwa normal at praktikal na pagkatao ay nagiging isang napakalaking pagsubok para sa mga tao; ito ang nagiging pinakamalaki nilang paghihirap. Gayunman, hindi maiiwasan ang pagiging normal at praktikal ng Diyos. Sinubukan Niya ang lahat para makahanap ng solusyon ngunit sa huli ay hindi Niya maalis sa Kanyang Sarili ang panlabas na anyo ng Kanyang normal na pagkatao. Ito ay dahil Siya, kunsabagay, ang Diyos na nagkatawang-tao, hindi ang Diyos ng Espiritu sa langit. Hindi Siya ang Diyos na hindi nakikita ng mga tao, kundi ang Diyos na nasa anyo ng isang miyembro ng paglikha. Sa gayon, ang pag-aalis sa Kanyang Sarili ng anyo ng Kanyang normal na pagkatao ay hindi magiging madali sa anumang paraan. Samakatuwid, anuman ang mangyari, ginagawa pa rin Niya ang gawaing nais Niyang gawin mula sa pananaw ng katawang-tao. Ang gawaing ito ang pagpapahayag ng normal at praktikal na Diyos, kaya paano magiging ayos lang sa mga tao na hindi magpasakop? Ano ba ang magagawa ng mga tao tungkol sa mga kilos ng Diyos? Ginagawa Niya ang anumang nais Niyang gawin; anuman ang nagpapasaya sa Kanya ay iyon ang masusunod. Kung hindi magpapasakop ang mga tao, ano ang iba pang magagandang planong mayroon sila? Hanggang ngayon, pagpapasakop lamang ang nakapagligtas sa mga tao; wala nang may iba pang matatalinong ideya. Kung nais ng Diyos na subukan ang mga tao, ano ang magagawa nila tungkol dito? Gayunman, hindi ang Diyos sa langit ang nakaisip ng lahat ng ito; ang Diyos na nagkatawang-tao ang nakaisip nito. Nais Niyang gawin ito, kaya walang taong makakapagbago nito. Hindi nanghihimasok ang Diyos sa langit sa ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao, kaya hindi ba mas malaking dahilan ito kaya dapat magpasakop sa Kanya ang mga tao? Bagama’t Siya ay kapwa praktikal at normal, Siya ang lubos na Diyos na naging tao. Batay sa Kanyang sariling mga ideya, ginagawa Niya ang anumang nais Niya. Ipinasa na ng Diyos sa langit ang lahat ng gawain sa Kanya; kailangan kang magpasakop sa anumang Kanyang ginagawa. Bagama’t mayroon Siyang pagkatao at napakanormal, sadya na Niyang isinaayos ang lahat ng ito, kaya paano Siya napandidilatan ng mga mata ng mga tao nang may pagtutol? Nais Niyang maging normal, kaya Siya normal. Nais Niyang mamuhay sa gitna ng sangkatauhan, kaya Siya namumuhay sa gitna ng sangkatauhan. Nais Niyang mamuhay sa loob ng pagka-Diyos, kaya Siya namumuhay sa loob ng pagka-Diyos. Maaari itong tingnan ng mga tao paano man nila naisin, ngunit ang Diyos ay palaging magiging Diyos at ang mga tao ay palaging magiging mga tao. Ang Kanyang diwa ay hindi maitatanggi dahil sa ilang maliit na detalye, ni hindi Siya maitutulak palabas ng “persona” ng Diyos dahil sa isang maliit na bagay. Ang mga tao ay may kalayaan ng mga tao, at ang Diyos ay may dignidad ng Diyos; hindi nanghihimasok ang mga ito sa isa’t isa. Maaari bang hindi bigyan ng mga tao ng kaunting kalayaan ang Diyos? Hindi ba nila mapagbibigyan ang pagiging medyo kaswal ng Diyos? Huwag kayong masyadong mahigpit sa Diyos! Bawat isa ay dapat magparaya sa isa’t isa; kung gayo’y hindi ba maaaring ayusin ang lahat? Magkakaroon pa ba ng anumang pagkakahiwalay? Kung hindi makapagpaubaya ang isang tao sa gayon kaliit na bagay, paano pa nila naiisip na maging isang taong mapagbigay o isang tunay na tao? Hindi ang Diyos ang nagpapahirap sa sangkatauhan, kundi ang sangkatauhan ang nagpapahirap sa Diyos. Pinangangasiwaan nila palagi ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng pagpapalaki sa maliliit na bagay. Talagang pinalalaki nila ang maliit na bagay, at talagang hindi ito kailangan! Kapag gumagawa ang Diyos sa loob ng normal at praktikal na pagkatao, ang Kanyang ginagawa ay hindi ang gawain ng sangkatauhan, kundi ang gawain ng Diyos. Gayunman, hindi nakikita ng mga tao ang diwa ng Kanyang gawain; ang palagi lamang nilang nakikita ay ang panlabas na anyo ng Kanyang pagkatao. Hindi pa sila nakakita ng gayon kadakilang gawain, subalit nagpipilit silang makita ang Kanyang karaniwan at normal na pagkatao, at hindi sila titigil. Paano ito matatawag na pagpapasakop sa harap ng Diyos? Ang Diyos sa langit ay “naging” Diyos na sa lupa ngayon, at ang Diyos sa lupa ay Diyos na sa langit. Hindi mahalaga kung magkapareho ang Kanilang panlabas na anyo, ni hindi mahalaga kung gaano magkatulad ang Kanilang paggawa. Sa huli, Siya na gumagawa ng sariling gawain ng Diyos ay ang Diyos Mismo. Kailangan kang magpasakop naisin mo man o hindi—hindi ito isang bagay na may mapagpipilian ka! Ang Diyos ay kailangang sundin ng mga tao, at kailangan talagang magpasakop ang mga tao sa Diyos nang wala ni katiting na pagkukunwari.

Ang grupo ng mga taong nais maangkin ng Diyos na nagkatawang-tao ngayon ay yaong mga umaayon sa Kanyang kalooban. Kailangan lamang nilang magpasakop sa Kanyang gawain, at tumigil sa patuloy na pag-aalala sa mga ideya tungkol sa Diyos sa langit, pamumuhay sa kalabuan, o pagpapahirap ng mga bagay-bagay para sa Diyos na nasa katawang-tao. Yaong mga nagagawang sumunod sa Kanya ay yaong mga talagang nakikinig sa Kanyang mga salita at nagpapasakop sa Kanyang mga plano. Ni hindi man lamang pinapansin ng gayong mga tao kung ano talaga ang maaaring hitsura ng Diyos sa langit o kung anong klaseng gawain ang maaaring kasalukuyang ginagawa ng Diyos sa langit sa sangkatauhan; ibinibigay nila nang lubusan ang kanilang puso sa Diyos sa lupa at inilalagak ang kanilang buong pagkatao sa Kanyang harapan. Hindi nila isinasaalang-alang kailanman ang kanilang sariling kaligtasan, ni hindi sila nag-aalala kailanman sa pagiging normal at praktikal ng Diyos na nasa katawang-tao. Yaong mga nagpapasakop sa Diyos na nasa katawang-tao ay maaari Niyang gawing perpekto. Yaong mga naniniwala sa Diyos sa langit ay walang mapapala. Ito ay dahil hindi ang Diyos sa langit, kundi ang Diyos sa lupa, ang nagkakaloob ng mga pangako at pagpapala sa mga tao. Hindi dapat palaging palakihin ng mga tao ang Diyos sa langit samantalang itinuturing na karaniwang tao lamang ang Diyos sa lupa; hindi ito makatarungan. Ang Diyos sa langit ay dakila at kamangha-mangha na may kagila-gilalas na karunungan, subalit ni hindi man lamang ito umiiral; ang Diyos sa lupa ay masyadong karaniwan at walang kabuluhan, at napaka-normal din. Wala Siyang di-pangkaraniwang isipan o hindi Siya nagsasagawa ng mga kilos na nakakagulat; gumagawa lamang Siya at nagsasalita sa isang napaka-normal at praktikal na paraan. Kahit hindi Siya nagsasalita sa pamamagitan ng kulog o nagpapatawag ng hangin at ulan, Siya talaga ang pagkakatawang-tao ng Diyos sa langit, at Siya talaga ang Diyos na namumuhay sa piling ng mga tao. Hindi dapat palakihin ng mga tao ang isang taong nagagawa nilang unawain at tumutugma sa kanilang sariling mga imahinasyon bilang Diyos, samantalang nakikita ang isang taong hindi nila matanggap at tiyak na hindi nila maisip na aba. Lahat ng ito ay nagmumula sa pagkasuwail ng mga tao; ito ang lahat ng pinagmumulan ng paglaban ng sangkatauhan sa Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Tunay na Nagmamahal sa Diyos ay Yaong mga Talagang Nagpapasakop sa Kanyang Pagiging Praktikal

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger