Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 386
Abril 25, 2021
Hindi masamang mabigo at madapa nang maraming beses; gayundin ang malantad. Napangaralan ka man, tinabas, o nalantad, kailangan mong tandaan ito sa lahat ng oras: Hindi komo inilalantad ka ay isinusumpa ka na. Mabuting bagay ang malantad; ito ang pinakamagandang pagkakataon para makilala mo ang iyong sarili. Maaari nitong baguhin ang karanasan mo sa buhay. Kung wala ito, hindi ka magkakaroon ng pagkakataon, ng kundisyon, ni ng konteksto para maunawaan mo ang katotohanan ng iyong katiwalian. Kung malalaman mo ang nasa iyong kalooban, lahat ng aspetong iyon na nakatago sa iyong kaibuturan na mahirap mapansin at matuklasan, mabuti iyan. Ang tunay na makilala ang iyong sarili ang pinakamagandang pagkakataon para mabago mo ang iyong mga pag-uugali at maging isa kang bagong tao; ito ang pinakamagandang oportunidad para magkaroon ka ng bagong buhay. Kapag tunay mong nakilala ang iyong sarili, makikita mo na kapag ang katotohanan ay naging buhay ng isang tao, mahalagang bagay iyon talaga, at mauuhaw ka sa katotohanan at papasok sa realidad. Napakagandang bagay niyan! Kung maaari mong samantalahin ang pagkakataong iyan at taimtim kang magninilay-nilay sa iyong sarili at magtatamo ng tunay na kaalaman tungkol sa iyong sarili tuwing ikaw ay mabibigo o madadapa, sa kabila ng pagiging negatibo at kahinaan, magagawa mong tumayong muli. Kapag nakaraan ka na sa pintuang ito, makakaya mo nang gumawa ng malaking hakbang at pumasok sa katotohanang realidad.
Kung naniniwala ka sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, kung gayon ay dapat kang maniwala na ang mga pang-araw-araw na pangyayari, mabuti man o masama ang mga ito, ay hindi basta na lamang nagaganap. Hindi ito dahil may isang sinasadyang magpahirap sa iyo o pumuntirya sa iyo; lahat ng ito ay isinaayos ng Diyos. Bakit isinasaayos ng Diyos ang lahat ng mga bagay na ito? Hindi ito para ibunyag kung sino ka o upang ilantad ka; ang paglalantad sa iyo ay hindi ang panghuling layunin. Ang layunin ay gawin kang perpekto at iligtas ka. Paano iyan ginagawa ng Diyos? Nagsisimula Siya sa pamamagitan ng pagpapabatid sa iyo ng iyong sariling tiwaling disposisyon, ng iyong kalikasan at diwa, ng iyong mga pagkukulang, at kung ano ang kulang sa iyo. Tanging sa pag-alam sa mga bagay na ito at pagkakaroon ng malinaw na pag-unawa ng mga ito mo lamang makakayang itaguyod ang katotohanan at unti-unting maiwaksi ang iyong tiwaling disposisyon. Ito ang Diyos na nagkakaloob sa iyo ng pagkakataon. Dapat mong malaman kung paano sasamantalahin ang pagkakataong ito, at hindi ka dapat makipagtalo sa Diyos. Lalo na kapag napaharap sa mga tao, mga pangyayari, at mga bagay na isinasaayos ng Diyos sa paligid mo, huwag laging pakiramdaman na hindi ayon sa nais mo ang mga bagay-bagay, huwag laging naisin na matakasan sila o laging sisihin at hindi unawain ang Diyos. Kung lagi mong ginagawa ang mga bagay na iyon, kung gayon ay hindi mo dinaranas ang gawain ng Diyos, at magiging napakahirap para sa iyo na pumasok sa katotohanang realidad. Anumang makaharap mo na hindi mo ganap na maunawaan, kung lumilitaw ang mga hirap, dapat mong matutuhang magpasakop. Dapat kang magsimula sa paglapit sa Diyos at higit na pananalangin. Sa ganyang paraan, bago mo pa mamalayan, magkakaroon ng pagbabago sa iyong panloob na kalagayan, at magagawa mong hanapin ang katotohanan upang malutas ang iyong suliranin. Sa gayon, magagawa mong maranasan ang gawain ng Diyos. Habang nagaganap ito, ang katotohanang realidad ay mahuhubog sa loob mo, at sa ganito ka susulong at sasailalim sa isang pagbabagong-anyo ng katayuan ng iyong buhay. Sa sandaling napagdaanan mo na ang pagbabagong ito at nagtataglay ka nitong katotohanang realidad, mag-aangkin ka rin ng mataas na katayuan, at kasama ng tayog ang buhay. Kung ang isa’y laging nabubuhay batay sa isang tiwaling mala-satanas na disposisyon, kung gayon, gaano man kalaking kasiglahan at kalakasan mayroon sila, hindi pa rin sila maituturing na may angking tayog, o buhay. Gumagawa ang Diyos sa bawat isang tao, at kung anuman ang Kanyang pamamaraan, anong uri ng mga tao, pangyayari at bagay ang ginagamit Niya sa Kanyang pagseserbisyo, o anumang uri ng tono mayroon ang mga salita Niya, isa lamang ang Kanyang panghuling layunin: Bago ka Niya iligtas, kailangan ka Niyang baguhin, kaya paanong hindi ka magdurusa nang bahagya? Kakailanganing magdusa ka. Ang pagdurusang ito’y maaaring kapalooban ng maraming bagay. Kung minsa’y ibinabangon ng Diyos ang mga tao, mga pangyayari, at mga bagay-bagay sa paligid mo para makilala mo ang iyong sarili, o kaya ay tuwiran kang maiwasto, matabasan, at mailantad. Katulad ng isang nakahiga sa isang mesa para sa operasyon—kailangang dumaan ka sa kaunting kirot para sa isang mabuting kalalabasan. Kung sa tuwing ikaw ay tinatabasan at iwinawasto, at tuwing ibinabangon Niya ang mga tao, mga pangyayari, at mga bagay-bagay, pinupukaw nito ang iyong mga damdamin at pinalalakas ka, kung gayon ay tama ito, at magkakaroon ka ng katayuan at makakapasok sa katotohanang realidad. Kung, tuwing ikaw ay tinatabas at iwinawasto, at tuwing isinasaayos ng Diyos ang iyong kapaligiran, wala kang nararamdamang anumang sakit o balisa o nahihirapan, at wala kang nararamdamang anuman, at kung hindi ka lalapit sa Diyos para hangarin ang Kanyang kalooban, hindi nagdarasal o naghahanap ng katotohanan, talagang napakamanhid mo! Kapag napakamanhid ng isang tao, at walang espirituwal na kamalayan kailanman, mawawalan ng paraan ang Diyos na gumawa sa kanila. Sasabihin Niya: “Napakamanhid ng taong ito at napakalalim na ng kanyang pagkatiwali. Tingnan ang lahat ng nagawa Ko na, at ang lahat ng pagsisikap na nagawa Ko; napakarami Ko nang nagawa sa kanya—ngunit hindi Ko pa rin mapukaw ang kanyang puso o magising ang kayang espiritu. Malalagay sa gulo ang taong ito; hindi siya madaling iligtas.” Kung isinasaayos ng Diyos ang ilang kapaligiran, tao, pangyayari at bagay para sa iyo, kung tinatabas at iwinawasto ka Niya at kung may natututuhan kang mga aral mula rito, kung natuto ka nang lumapit sa Diyos, natutong hanapin ang katotohanan, at, hindi mo alam, nililiwanagan at pinaliliwanag at nagtatamo ka ng katotohanan, kung nakaranas ka na ng pagbabago sa mga kapaligirang ito, nagantimpalaan, at sumulong, kung unti-unti ka nang nagkakaroon ng kaunting pagkaunawa sa kalooban ng Diyos at hindi ka na nagrereklamo, lahat ng ito ay mangangahulugan na nanindigan ka sa gitna ng mga pagsubok ng mga kapaligirang ito, at natiis mo ang pagsubok. Kung gayon, nalampasan mo na ang mahigpit na pagsubok na ito.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Para Matamo ang Katotohanan, Dapat Matuto ang Isang Tao mula sa mga Tao, Usapin, at Bagay sa Malapit
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video