Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 385
Oktubre 30, 2020
Ang tanging saloobing dapat taglayin ng isang nilalang sa kanyang Lumikha ay yaong pagsunod, walang pasubaling pagsunod. Ito ay isang bagay na maaaring hindi matanggap ng ilang tao ngayon. Sinasabi nila, “Paano ito naging walang pasubali? Kailangang maging laging makatwiran ang mga salita ng Diyos, at lagi Siyang dapat may dahilan sa paggawa ng mga bagay-bagay. Kailangang bigyan lagi ng Diyos ang mga tao ng paraan upang patuloy na mabuhay, kailangan Niya laging kumilos nang makatwiran at makatarungan, at hindi Niya maaaring balewalain ang damdamin ng tao.” Kung nagagawa mong bigkasin ang mga salitang ito, at sa katunayan ay ganito ka mag-isip, malayong magawa mo na sumunod sa Diyos. Samantalang ang tao ay tinutustusan at dinidiligan ng salita ng Diyos, ang tao sa katunayan ay naghahanda para sa iisang bagay. Ano kaya ang bagay na iyon? Ito ay ang magawang makamtan ang walang pasubali, lubos na pagpapasakop sa Diyos sa dakong huli, kung kailan, ikaw, ang nilikhang ito, ay nakaabot na sa kinakailangang pamantayan. Kung minsan, sinasadya ng Diyos na gawin ang mga bagay-bagay na salungat sa iyong mga kuro-kuro, na hindi kaayon ng ibig mo, o lumilitaw pang laban sa mga prinsipyo, o laban sa damdamin ng tao, pagkatao, o mga saloobin, kaya hindi mo matanggap at maunawaan ang mga ito. Saang panig mo man ito tingnan, tila hindi ito tama, hindi mo lang talaga matanggap ito, at nararamdaman mo na sadyang hindi makatwiran ang Kanyang nagawa. Kaya’t ano ang layunin ng Diyos sa paggawa ng mga bagay na ito? Ito ay upang subukin ka. Hindi mo kailangang talakayin kung paano at bakit nagawa iyon ng Diyos; ang kailangan mo lamang gawin ay panatilihin ang iyong pananampalataya na Siya ang katotohanan, at kilalanin na Siya ang Lumikha sa iyo, na Siya ang iyong Diyos. Mas mataas pa ito kaysa buong katotohanan, mas mataas kaysa sa lahat ng pangmundong karunungan, kaysa sa tinatawag ng tao na moralidad, mga prinsipyo ng tamang pag-uugali, kaalaman, edukasyon, pilosopiya o tradisyonal na kultura, at higit pa itong mataas kaysa sa pagmamahal o pakikisama o sa tinatawag na pagmamahalan sa pagitan ng mga tao—mas mataas pa ito kaysa anupamang iba. Kung hindi mo ito nauunawaan, sa malao’t madali, kapag may nangyayari sa iyo, may panganib na maghimagsik ka laban sa Diyos at maligaw ng landas bago magsisi sa huli at kilalanin kung gaano kaibig-ibig ang Diyos at ang kabuluhan ng gawaing isinasagawa Niya sa iyo; o, ang mas masahol pa, maaari kang matalisod at mabuwal dahil dito. … Gaano man katagal naniniwala ang isang tao sa Diyos, gaano man kahaba ang daan na kanilang nalakbay, gaano man kalaking gawain ang kanilang nagawa at ilan mang mga tungkulin ang kanilang nagampanan, ang panahong ito ay paghahandang lahat sa kanila para sa iisang bagay: upang sa dakong huli ay magawa mong kamtin ang walang-pasubali at lubusang pagpapasakop sa Diyos. Kaya’t ano ang ibig sabihin ng “walang pasubali”? Ang ibig sabihin nito ay pagbabalewala sa iyong sariling mga pangangatwiran, pagbabalewala sa layon mong pangangatwiran, at hindi pakikipagtalo sa kung ano-ano: Ikaw ay isang nilalang, at hindi ka karapat-dapat. Kapag nakipagtalo ka sa Diyos, wala ka sa tamang lugar; kapag tinangka mong pangatwiranan ang iyong sarili sa Diyos, minsan pa, wala ka sa tamang lugar; kapag nakipagtalo ka sa Diyos, kapag nais mong itanong kung bakit, malaman kung ano ang talagang nangyayari, kung hindi ka makasunod nang hindi mo muna inuunawa, at magpapasakop ka lamang kapag malinaw na sa iyo ang lahat, minsan pang wala ka sa tamang lugar. Kapag nasa maling lugar ka, lubos ba ang iyong pagsunod sa Diyos? Ikaw ba ay isang nilalang sa isipan ng Diyos o hindi? Pinakikitunguhan mo ba ang Diyos ayon sa nararapat na pakikitungo sa Diyos? Bilang Panginoon ng lahat ng nilikha? Hindi, kung gayon ay hindi ka kilala ng Diyos. Anong mga bagay ang magtutulak sa iyo na magkamit ng lubos at walang-pasubaling pagsunod sa Diyos? Paano ito mararanasan? Sa isang dako, kailangan ang kaunting budhi at pakiramdam ng normal na pagkatao; sa kabilang dako, habang tinutupad mo ang iyong mga tungkulin, dapat maunawaan ang bawat isang aspeto ng katotohanan upang maunawaan mo ang kalooban ng Diyos. Kung minsan, kulang ang kakayahan ng tao, at walang lakas o sigla ang tao para maunawaan ang lahat ng katotohanan. May isang bagay, gayunman: Anuman ang kapaligiran, mga tao, pangyayari, at mga bagay na dumarating sa iyo at naisaayos ng Diyos, dapat kang magkaroon lagi ng masunuring saloobin. Huwag mong itanong kung bakit—dapat mong taglayin ang saloobing ito. Kung kahit ang saloobing ito ay hindi mo maabot, at palagian kang handa sa “Kailangan kong isaalang-alang kung talagang matuwid ang ginagawa ng Diyos. Sinasabi nila na ang Diyos ay pagmamahal, kung gayon ay tingnan natin kung may pagmamahal sa Kanyang ginagawa sa akin, at kung talagang pagmamahal nga ito,” kung lagi mong sinusuri kung ang ginagawa ba ng Diyos ay tumutugon sa lahat ng pamantayan, tinitingnan kung ang ginagawa ba ng Diyos ay ang ibig mo, o maging kung tumatalima ba ito sa pinaniniwalaan mong katotohanan, kung gayon ay wala ka sa tamang lugar, at magdudulot ito sa iyo ng kaguluhan.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video