Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 377
Abril 25, 2021
Ang katotohanan ay ang buhay ng Diyos Mismo, kumakatawan ito sa Kanyang disposisyon, Kanyang diwa, at lahat-lahat na nasa Kanya. Kung sinasabi mo na ang pagkakaroon ng kaunting karanasan ay nangangahulugan na taglay mo ang katotohanan, kaya mo bang katawanin ang disposisyon ng Diyos? Maaaring may ilang karanasan o liwanag ka tungkol sa isang aspeto o panig ng isang katotohanan, ngunit hindi mo ito maibibigay sa iba magpakailanman, kaya itong liwanag na natamo mo ay hindi katotohanan; isang punto lamang ito na maaaring maabot ng mga tao. Ito lamang ang tamang karanasan at tamang pagkaunawa na dapat taglay ng isang tao: ilang aktuwal na karanasan at kaalaman sa katotohanan. Ang liwanag, kaliwanagan at pagkaunawang ito na batay sa karanasan ay hindi kailanman makakahalili sa katotohanan; kahit pa ganap nang naranasan ng lahat ng tao ang katotohanang ito, at pinagsama-sama ang lahat ng kanilang mga pagkaunawang batay sa karanasan, hindi pa rin nito mapapalitan ang nag-iisang katotohanang iyon. Gaya nang nasabi na sa nakalipas, “Binubuod Ko ito sa isang kasabihan para sa mundo ng tao: Sa gitna ng mga tao, walang sinumang nagmamahal sa Akin.” Ito ay pangungusap ng katotohanan: ito ang totoong diwa ng buhay. Ito ang pinakamalalim sa mga bagay; ito ay sariling pagpapahayag ng Diyos Mismo. Maaaring patuloy mong mararanasan ito at kung mararanasan mo ito sa loob ng tatlong taon magkakaroon ka ng mababaw na pagkaunawa nito; kung mararanasan mo ito sa loob ng pito o walong taon magtatamo ka ng higit pang pagkaunawa nito—nguni’t anumang pagkaunawa na matamo mo ay hindi kailanman makakahalili sa nag-iisang pangungusap ng katotohanang iyan. Ang isa pang tao, matapos maranasan ito sa loob ng dalawang taon ay maaaring magtamo ng kaunting pagkaunawa at pagkatapos ay bahagyang mas malalim na pagkaunawa matapos maranasan ito sa loob ng sampung taon at pagkatapos ay ilang higit pang pagkaunawa matapos maranasan ito sa buong buhay—nguni’t kung pagsasamahin ninyo kapwa ang pagkaunawa na natamo na ninyo, magkagayunman—gaano man kalaking pagkaunawa, gaano karaming karanasan, gaano karaming kaunawaan, gaano kalaking liwanag, o gaano karaming halimbawang kapwa mayroon kayo—lahat ng iyan ay hindi pa rin makakahalili sa nag-iisang pangungusap ng katotohanan na iyan. Ano ang ibig Kong sabihin dito? Ibig Kong sabihin na ang buhay ng tao ay palaging magiging buhay ng tao, at gaano man kaayon sa katotohanan, sa mga intensyon ng Diyos at Kanyang mga kahilingan ang iyong pagkaunawa, hindi nito kailanman makakayang humalili sa katotohanan. Ang sabihing ang katotohanan ay natamo na ng mga tao ay nangangahulugan na mayroon silang kaunting realidad, na may natamo na silang kaunting pagkaunawa sa katotohanan, na naabot na nila ang kaunting tunay na pagpasok sa mga salita ng Diyos, na nagkaroon na sila ng kaunting tunay na karanasan sa mga ito, at na sila ay nasa tamang landasin sa kanilang pananampalataya sa Diyos. Ang isa lamang na pahayag ng Diyos ay sapat na para maranasan ng isang tao habambuhay; kahit maranasan pa ito ng mga tao nang ilang habambuhay o kahit na ilang milenyo, hindi pa rin nila ganap at lubusang mararanasan ang isang katotohanan. Kung nauunawaan lamang ng mga tao ang kaunting mabababaw na salita, subali’t sinasabi nilang nakamtan na nila ang katotohanan, hindi ba iyan ganap at lubos na kawalang-saysay?
Kapag nauunawaan ng mga tao ang katotohanan, at namumuhay silang kasama ito bilang kanilang buhay, anong buhay ang tinutukoy dito? Tumutukoy ito sa kakayahan nilang ibatay sa salita ng Diyos kung paano sila mamumuhay; nangangahulugan ito na mayroon silang tunay na kaalaman sa mga salita ng Diyos at isang tunay na pagkaunawa sa katotohanan. Kapag taglay ng mga tao sa loob nila ang bagong buhay na ito, ang paraan ng kanilang pamumuhay ay naitatayo sa isang pundasyon ng katotohanang salita ng Diyos, at namumuhay sila sa loob na dako ng katotohanan. Tungkol lahat sa pagkilala at pagdanas ng katotohanan ang buhay ng mga tao, at ito bilang pundasyon, nang hindi humihigit sa saklaw na iyon; ito ang buhay na tinutukoy kapag nagsasalita tungkol sa pagkakaroon ng katotohanang buhay. Para mamuhay ka na kasama ang katotohanan bilang buhay mo, hindi ito ang pangyayari na ang buhay ng katotohanan ay nasa loob mo, o hindi ito pangyayari na ikaw ay nagtataglay ng katotohanan bilang buhay mo, nagiging katotohanan ka, at ang iyong panloob na buhay ay nagiging buhay ng katotohanan; higit na kaunti pa rin ang masasabi na ikaw ay katotohanang buhay. Sa huli, ang iyong buhay ay buhay pa rin ng isang tao. Nangyari lamang na ang isang tao ay maaaring mamuhay sa mga salita ng Diyos, magtaglay ng kaalaman sa katotohanan, at maunawaan ito sa isang malalimang antas; ang pag-unawang ito ay hindi maaaring alisin sa iyo. Ganap mong nararanasan at nauunawaan ang mga bagay na ito, nararamdaman na napakahusay at napakahalaga ng mga ito, at natututuhan mong tanggapin ang mga ito bilang batayan ng iyong buhay; higit pa rito, namumuhay kang umaasa sa mga bagay na ito, at walang sinumang makapagbabago niyan: Ito, kung gayon, ang iyong buhay. Ibig sabihin, ang buhay mo ay naglalaman lamang ng mga bagay na ito—pag-unawa, karanasan, kabatiran sa katotohanan—at anuman ang gawin mo, ibabatay mo sa mga ito kung paano ka mamumuhay, at hindi ka lalampas sa saklaw na ito o lalampas sa mga hangganan nito; ito mismo ang uri ng buhay na tataglayin mo. Ang pangunahing layunin ng gawain ng Diyos ay upang magkaroon ng ganitong uri ng buhay ang mga tao. Gaano man kahusay ang pagkaunawa ng mga tao sa katotohanan, ang kanilang diwa ay isa pa rin sa sangkatauhan at hindi man lamang maikukumpara sa diwa ng Diyos. Dahil nagpapatuloy ang kanilang pagdanas sa katotohanan, imposible para sa kanila na buong-buong isabuhay ang katotohanan; maaari lamang isabuhay ng mga tao ang napakalimitadong kapiraso ng katotohanan na maaaring makamtan nila. Paano, kung gayon, sila maaaring makalapit sa Diyos? … Kung mayroon kang kaunting karanasan sa mga salita ng Diyos, at nabubuhay kang naaayon sa iyong pag-unawa sa katotohanan, nagiging buhay mo ang mga salita ng Diyos. Gayunpaman, hindi mo pa rin masasabi na ang katotohanan ang buhay mo o na ang ipinahahayag mo ay ang katotohanan; kung ito ang iyong opinyon, mali ka. Kung mayroon kang ilang karanasan sa isang aspeto ng katotohanan, makakatawan ba nito sa ganang sarili nito ang katotohanan? Talagang hindi. Lubusan mo bang maipapaliwanag ang katotohanan? Matutuklasan mo ba ang disposisyon ng Diyos, at ang Kanyang diwa, mula sa katotohanan? Hindi mo magagawa. Ang lahat ay mayroon lamang karanasan sa isang aspekto at saklaw ng katotohanan; sa pagdanas nito sa loob ng iyong limitadong saklaw, hindi mo mararanasan ang lahat ng aspekto ng katotohanan. Maisasabuhay ba ng mga tao ang orihinal na kahulugan ng katotohanan? Gaano ang halaga ng iyong bahagyang karanasan? Isang butil ng buhangin sa dalampasigan; isang patak ng tubig sa karagatan. Samakatuwid, gaano man kahalaga ang kaalamang iyon at iyang mga pakiramdam na natamo mo na mula sa iyong mga karanasan, hindi pa rin maibibilang na katotohanan ang mga iyan. Ang pinagmulan ng katotohanan at ang kahulugan ng katotohanan ay may napakalawak na saklaw. Walang makasasalungat dito. Sinasabi ng ilang tao, “Hindi ba masasalungat kailanman ang aking pagkaalam sa karanasan?” Hindi mangyayari. Ang tunay na pag-unawa na nagmumula sa iyong karanasan sa mga salita ng Diyos ay umaayon sa katotohanan—paano ito masasalungat? Maaaring maging buhay mo ang katotohanan sa anumang kapaligiran. Mabibigyan ka nito ng landas, at matutulutan ka nitong manatiling buhay. Gayunman, ang mga bagay na mayroon ang mga tao at ang liwanag na kanilang natamo ay angkop lamang para sa kanilang mga sarili o sa ilang nakapaloob sa isang tiyak na saklaw, ngunit hindi magiging angkop sa loob ng isang naiibang saklaw. Gaano man kalalim ang karanasan ng isang tao, ganoon pa rin ito kalimitado, at ang kanilang karanasan ay hindi kailanman makaaabot sa saklaw ng katotohanan. Ang liwanag ng isang tao at ang pagkaunawa ng isang tao ay hindi kailanman maihahambing sa katotohanan.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video