Christian Dance | "Ang Buong Sansinukob ay Umaalingawngaw sa Pagpuri sa Diyos" | Praise Song | 2026 Mga Tinig ng Papuri

Enero 17, 2026

I

Napakaraming awit, napakagandang mga sayaw—

ang sansinukob ay naging isang dumadaluyong na dagat ng kagalakan!

Lumulukso ang mga bituin, ngumingiti ang buwan,

ang buong sansinukob ay puno ng pagpupuri;

nagbubunyi at nagtatalon tayo sa galak!

Ang Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw,

ay nagpahayag ng katotohanan, niyayanig ang lahat ng bansa at denominasyon.

Naririnig ng hinirang na mga tao ng Diyos ang Kanyang tinig,

bumabalik sa harap ng Kanyang trono para magkaisang sumamba.

Sa Sion, nakaharap ang Diyos sa buong sansinukob,

ibinubunyag ang Kanyang katuwiran at kabanalan.

Ang lahat ng tao ng Diyos ay puspos ng kagalakan,

pinupuri Siya nang walang katapusan.

Purihin ang Diyos, purihin ang Diyos! Hallelujah!

Purihin ang Diyos, purihin ang Diyos, purihin ang Diyos!

II

Para mahalin ang Diyos, dapat nating tuparin ang ating tungkulin

at maging mapagsaalang-alang sa mga layunin ng Diyos.

Ang mga puso ng mga kapatid ay mahigpit na magkakaugnay.

Lalaki at babae, bata at matanda—lahat ay nagpupuri sa Diyos bilang iisa.

Naghahandog ka ng isang awit at naghahandog ako ng sayaw;

nagpapatotoo ka sa Diyos at nakikipagtulungan ako.

Pinapahiya natin ang diyablo, ang malaking pulang dragon,

at niluluwalhati ang pangalan ng Makapangyarihang Diyos.

Nakita nating lahat ang matuwid na disposisyon ng Diyos

sa pamamagitan ng Kanyang gawain.

Nakita ng lahat ng tao ng Diyos ang Kanyang maluwalhating mukha,

at hinahangad ng lahat na mahalin Siya at mapalugod Siya.

Handa tayong maging tapat magpakailanman sa Diyos.

Purihin ang Diyos, purihin ang Diyos! Hallelujah!

Purihin ang Diyos, purihin ang Diyos, purihin ang Diyos!

III

Ang Diyos ay nagkakamit ng kaluwalhatian sa lupa,

at magkakasamang nagagalak ang lahat ng bansa at ang lahat ng tao ng Diyos.

Ang buhay sa kaharian ay napakaganda!

Isang bagong langit, isang bagong lupa, isang bagong kaharian.

Tayo ay nagsasayaw at kumakanta ng mga bagong awit para sa Diyos—

ito ay isang kagalakan.

Ang pinakamagagandang awit ay inaawit para sa Diyos,

ang pinakamagagandang sayaw ay iniaalay sa Diyos.

Iniaalay natin sa Diyos ang ating tunay na puso,

at minamahal natin Siya nang dalisay at matapat.

Ang lahat ng tao ng Diyos at lahat ng bagay

ay magpupuri sa Kanya magpakailanman, nang walang patid!

Purihin ang Diyos, purihin ang Diyos! Hallelujah!

Purihin ang Diyos, purihin ang Diyos, purihin ang Diyos!

O Sion, o Sion, anong kaluwalhatian!

Ang tahanan ng Diyos ay maliwanag na nagniningning,

ang maluwalhating liwanag nito ay bumabalot sa buong sansinukob.

Ang Makapangyarihang Diyos ay nakaupo sa Kanyang trono nang may ngiti,

pinagmamasdan ang bagong anyo ng sansinukob.

Purihin ang Diyos, purihin ang Diyos! Hallelujah!

Purihin ang Diyos, purihin ang Diyos, purihin ang Diyos!

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin