Best Tagalog Christian Movie Trailer | "Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train"

Setyembre 23, 2018

Si Chen Peng ay pastor sa isang bahay-iglesia. Noon pa man ay marubdob na siyang naglingkod sa Panginoon, at kadalasa'y nagsilbing pastor, sa pagtulong sa kanyang mga alagad, at binalikat ang malalaking pasanin para sa iglesia. Pero nitong nakaraang mga taon, mas lalong nawalan ng tao sa iglesia. Nanghina ang espiritu ng mga mananampalataya at hindi na nagsimba, at hindi na dumadalo sa mga miting. Kaya nga kahit si Pastor Chen ay nakadama ng kadiliman sa kanyang kaluluwa, na para bang natuyo na ang balon ng kanyang espiritu, at hindi na niya madama ang presensya ng Panginoon. Sa mga miting, nalaman niya na wala siyang maipangaral. … Ginawa niya ang lahat ng maaari niyang maisip para muling pasiglahin ang iglesia, pero nawalan ng saysay ang lahat ng pagsisikap niya. … Naging miserable si Chen Peng, nalito, at hindi maunawaan kung bakit nagiging mapanglaw ang kanyang iglesia, at bakit nawala sa kanila ang presensya ng Panginoon.

Hanggang isang araw, hindi sinasadya, narinig niya ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos. Matapos magdaan sa isang matinding debate, sa wakas ay nalaman ni Chen Peng kung bakit naging napakapanglaw ng kanyang iglesia, at naniwala siya na nagkatawang-tao na ang Diyos at naging Anak ng tao: Makapangyarihang Diyos, patuloy na tinuligsa at tinalikuran ng mga relihiyon, na nagsasabi ng katotohanan at gumagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw! Yaon lamang mga tumatanggap ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw, at sumusunod sa mga yapak ng Kordero ang madadala sa harap ng luklukan ng Diyos at magtatamo ng pagdidilig at mabibigyan ng tubig ng buhay. Dahil dito, masayang tinanggap ni Chen Peng ang gawain ng Diyos sa mga huling araw.

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin