Christian Dance | "Maging Isang Taong Nakalulugod sa Diyos" | Praise Song

Oktubre 2, 2024

I

Nagpahayag ng napakaraming katotohanan

ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao;

kung paanong nakapagbibigay-liwanag sa puso natin

ang pagkain at pag-inom sa Kanyang salita at pag-unawa sa katotohanan.

Sa pagsailalim sa paghatol ng Diyos, nalalaman natin ang katiwalian natin;

dapat nating isagawa ang katotohanan at maging mga taong nakalulugod sa Diyos.

Dapat tayong maging mga taong tunay na nagpapasakop sa Diyos.

Dapat gawin natin ang mismong sinasabi ng salita ng Diyos;

anuman ang mga pagsasaayos na ginagawa ng Diyos,

hindi tayo nagrereklamo,

at tumitindig tayo sa posisyon ng isang nilikha

at ginagawa natin nang maayos ang tungkulin natin.

II

Dapat maging mga tao tayong tapat sa Diyos;

dapat nating tuparin ang mga tungkulin natin sa abot ng ating makakaya

at dapat tayong maging mapagsaalang-alang sa mga layunin ng Diyos,

sumunod sa mga katotohanang prinsipyo sa lahat ng bagay

at huwag umasa sa mga damdamin,

at maging tapat hanggang kamatayan para magpatotoo sa Diyos

sa mga pagsubok at paghihirap.

Dapat tayong maging mga matapat at matuwid na tao;

dapat gawin natin ang mga bagay-bagay nang matapat at bukas

para madala ang mga ito sa harap ng Diyos,

dapat tayong magsalita nang sinsero at tumpak upang pagkatiwalaan tayo ng iba,

at maging dalisay, bukas, at tapat, para maging mga tao tayong minamahal ng Diyos.

Dapat tayong maging mga taong tunay na nagmamahal sa Diyos;

dapat nating isagawa ang katotohanan, pakinggan ang mga salita ng Diyos,

kumilos ayon sa mga layunin ng Diyos,

isabuhay ang realidad ng salita ng Diyos para mapalugod ang puso ng Diyos,

at gayahin si Pedro at hangaring mahalin ang Diyos

para makamit ang Kanyang pagsang-ayon.

Dapat tayong maging mga taong nakauunawa sa Diyos;

dapat nating tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos sa lahat ng bagay

at dapat tayong mamuhay sa harap ng Diyos,

magkaroon ng pusong may takot at nagpapasakop sa Kanya,

at sumusunod sa Kanyang kalooban,

at dapat na kaisa tayo ng puso at isip ng Diyos,

at dapat mahalin natin ang Diyos at magpatotoo tayo sa Diyos magpakailanman.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin