Christian Dance | "Ang Lahat ng Tao ng Diyos ay Pumupuri sa Makapangyarihang Diyos" | Praise Song | 2026 Mga Tinig ng Papuri
Enero 18, 2026
I
May Anak ng tao na nagpapahayag ng katotohanan sa bawat araw,
at Siya ang Makapangyarihang Diyos.
Narinig na natin ang tinig ng Diyos at sa wakas, nasalubong na natin ang Panginoon—
kay laking kagalakan!
Ang makita ang mukha ng tunay na Diyos ay higit pa sa ating pinakapinapangarap!
O, labis tayong pinagpala!
Purihin, purihin, purihin nang labis!
Tingnan n'yo kung sinong sumasayaw nang puno ng kagalakan!
Ang puso nati'y labis na natutuwa't malaya!
II
Nadala na tayo paitaas sa harap ng trono ng Diyos
at dumadalo sa piging ng kaharian ng langit.
Araw-araw tayong kumakain at umiinom ng salita ng Diyos,
at napakaraming katotohanan ang ating nauunawaan—
talagang lumiwanag ang ating puso!
Hinahayaan ako ng mga salita ng Diyos na makilala ang sarili ko
at makita ang lalim ng aking katiwalian.
Nagpatirapa ako sa harap ng Diyos sa matinding pagsisisi.
Purihin, purihin, purihin nang labis!
Tingnan n'yo kung sinong sumasayaw nang puno ng kagalakan!
Ang puso nati'y labis na natutuwa't malaya!
III
Ang pagsunod kay Cristo at pagtupad sa aking tungkulin
ang nagbibigay-halaga at kabuluhan sa buhay ko.
Sa paggawa ng aking tungkulin, nararanasan ko ang gawain ng Diyos
at nakakamit ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu; mabilis na lumalago ang aking buhay!
Dahil nalinis sa pamamagitan ng paghatol, nagagawa kong tunay na magpasakop sa Diyos—
ito ang pagpapala ng Diyos!
Purihin, purihin, purihin nang labis!
Tingnan n'yo kung sinong sumasayaw nang puno ng kagalakan!
Ang puso nati'y labis na natutuwa't malaya!
IV
Lubusang inihahayag ng paghatol at pagkastigo ng Diyos
ang Kanyang kabanalan at katuwiran.
Ang mga nagmamahal sa Diyos ay ginagawang perpekto,
habang ang mga taong gumagawa ng masama ay pinarurusahan.
Dumating na ang panahon!
Nagapi na ng Makapangyarihang Diyos si Satanas
at nakagawa na Siya ng isang grupo ng mga mananagumpay.
Natapos na ang dakilang gawain ng Diyos!
Purihin, purihin, purihin nang labis!
Tingnan n'yo kung sinong sumasayaw nang puno ng kagalakan!
Ang puso nati'y labis na natutuwa't malaya!
V
Lahat ng tao ng Diyos ay sumisigaw sa tuwa
at umaawit ng papuri sa Makapangyarihang Diyos.
Dumating na ang malalaking kalamidad,
at ginagantimpalaan ng Diyos ang mabuti at pinarurusahan ang masama.
Purihin ang katuwiran ng Diyos!
Ang mga lumalaban sa Diyos ay nilipol na, at nagpakita na ang kaharian ng Diyos.
Purihin ang Diyos sa pagkakamit ng kaluwalhatian!
Purihin, purihin, purihin nang labis!
Tingnan n'yo kung sinong sumasayaw nang puno ng kagalakan!
Ang puso nati'y labis na natutuwa't malaya!
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video