Tagalog Testimony Video | "Pagkatapos Mapalitan"
Nobyembre 15, 2021
Ang pangunahing tauhan sa Pagkatapos Mapalitan ay nagsumikap sa kanyang tungkulin matapos siyang mahalal na isang pinuno ng iglesia, at ang gawain ng iglesia ay unti-unting nagsimulang magbunga. Bago pa niya napansin, nagsimula siyang makaramdam ng labis na kasiyahan sa kanyang sarili, nagpakitang-gilas siya sa mga pagtitipon at pagbabahagian, at sinubukan niyang gawin ang iba na tingalain siya. Hinamak pa niya ang mga katrabaho at itinaas ang sarili. Sa huli, naalis siya sa kanyang tungkulin sapagkat nakatuon lamang siya sa pagkakaroon ng pangalan at katayuan, nawala niya ang gawain ng Banal na Espiritu, at wala siyang kakayahang gumawa ng anumang praktikal na gawain. Matapos mawala ang kanyang posisyon, dumanas siya ng matinding pagdurusa at pagpipino. Sa pamamagitan ng pagdanas sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, malinaw niyang nakita ang diwa ng paghahangad ng pangalan at katayuan at naunawaan kung ano ang isang matagumpay na landas ng pananampalataya. Ano pa ang natutunan niya at paano pa siya nagbago pagkatapos niyang maalis? Makikita mo sa Pagkatapos Mapalitan.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video