Tagalog Christian Song | "Ang Nagkatawang-taong Anak ng Tao'y Diyos Mismo"

Hunyo 26, 2020

Nang pagka-Diyos ng Diyos,

sa dugo't laman natanto,

malinaw nang Siya ay narito.

Malalapitan Siya ng tao,

mauunawaan kalooban Niya,

maging pagka-Diyos Niya sa mga salita,

gawa at kilos ng Anak ng tao.

Sa pagkatao, inihayag ng Anak

kalooban at pagka-Diyos ng Diyos.

At sa pagpapakita ng disposisyon,

inihayag Niya sa tao ang Diyos

sa espirituwal na dako,

na 'di nahihipo o nakikita.

Nakita nilang Diyos,

may laman at anyo.

Kaya nagkatawang-taong Anak ng tao,

katayua't disposisyon ng Diyos ginawang totoo.

Kanyang pagkatao o pagka-Diyos,

'di maikakailang kumakatawan Siya sa Diyos.

Gumawa at nagsalita ang Diyos sa laman.

Sa pagkakakilanlan bilang Anak ng tao,

humarap Siya sa tao,

pinaranas sila ng salita at gawain ng Diyos,

pinaalam pagka-Diyos Niya't kadakilaan

sa pagpapakumbaba.

Dama ng tao na totoong may Diyos,

na Siya ay totoo.

Nauunawaan nila ito.

Sa pagkatao, inihayag ng Anak

kalooban at pagka-Diyos ng Diyos.

At sa pagpapakita ng disposisyon,

inihayag Niya sa tao ang Diyos

sa espirituwal na dako,

na 'di nahihipo o nakikita.

Nakita nilang Diyos,

may laman at anyo.

Kahit gawain, paraa't pananalita

ng Panginoong Jesus ay iba

sa tunay na persona ng Diyos

sa espirituwal na dako,

talagang kinakatawan Niya ang Diyos.

'Di 'yan maikakaila.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin