Christian Dance | "Nalupig ng mga Salita ng Diyos ang Ating Puso" | Praise Song

Pebrero 7, 2025

I

Naririnig natin ang tinig ng Diyos at itinataas tayo sa harap ng Kanyang trono.

Ang mga salita ng Diyos ay puno ng awtoridad at kapangyarihan,

at nalupig ng mga ito ang ating puso.

Binabasa natin ang mga salita ng Diyos at humaharap sa Kanya.

Napupuno ng tamis ang ating puso habang inuunawa natin ang katotohanan.

Na masundan natin si Cristo ng mga huling araw

ay higit pa sa ating pinakapapangarap.

Mga kapatid! Halina't sumayaw!

Umawit ng masasayang awit ng papuri!

Bakit ako sumasayaw nang may sobrang kagalakan?

Dahil mahal ng puso ko ang Diyos.

II

Lumalapit tayo sa Diyos, at kinakain, iniinom,

at tinatamasa natin ang Kanyang mga salita.

Sa pagtanggap ng Kanyang paghatol, tayo'y nililinis;

at tayo ay tunay na nagagalak habang isinasabuhay ang wangis ng tao.

Ang paghatol at pagkastigo ay pagmamahal ng Diyos,

at ang mga pagsubok at pagpipino ay Kanyang mga pagpapala.

Nabigyan na ako ng Diyos ng bagong buhay.

Pupurihin ko ang Diyos magpakailanman.

Mga kapatid! Halina't sumayaw!

Umawit ng masasayang awit ng papuri!

Bakit ako sumasayaw nang may sobrang kagalakan?

Dahil mahal ng puso ko ang Diyos.

III

Mga salita ng Diyos may dakilang awtoridad.

Inaakay tayo mula sa mga paghihirap,

at ginagabayan at pinoprotektahan tayo sa bawat sandali,

pinararamdam sa atin nang mas matindi ang kabaitan at pagiging kaibig-ibig ng Diyos.

Pineperpekto sa paghihirap ang ating pananalig,

at nakikita natin ang karunungan at pagkamakapangyarihan-sa-lahat ng Diyos.

Anumang pagsubok ang dumating sa atin,

ang ating mapagmahal-sa-Diyos na puso

ay hinding-hindi magbabago.

Mga kapatid! Halina't sumayaw!

Umawit ng masasayang awit ng papuri!

Bakit ako sumasayaw nang may sobrang kagalakan?

Dahil mahal ng puso ko ang Diyos.

IV

Inililigtas tayo ng Makapangyarihang Diyos,

at hindi kailanman ganap na masasabi ng mga salita ang Kanyang pagmamahal.

Tinutupad natin ang ating mga tungkulin nang may katapatan

para masuklian ang malalim na pagmamahal ng Diyos.

Nagpapatotoo tayo sa Diyos nang may iisang isipan at iisang puso;

at ang ebanghelyo ng kaharian ay ipinalalaganap sa buong mundo.

Ginapi ng Diyos si Satanas at nagkamit ng kaluwalhatian,

at umaapaw sa kagalakan ang ating puso.

Mga kapatid! Halina't sumayaw!

Umawit ng masasayang awit ng papuri!

Bakit ako sumasayaw nang may sobrang kagalakan?

Dahil mahal ng puso ko ang Diyos.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin