Christian Dance | "Ang Salita ng Diyos ay Nananatili sa Aking Tabi" | Praise Song

Disyembre 26, 2024

I

Ang pagbabasa ng salita ng Diyos ay tunay na nagbibigay-liwanag sa aking puso,

at sa salita ng Diyos, nakikita ko Siya nang harap-harapan.

Inilalantad ng Kanyang mga salita ang aking paghihimagsik at katiwalian,

at nang may taimtim na panghihikayat,

tinuturuan Niya ako kung paano umasal at kumilos.

Hindi mailarawan ng mga salita o maipahayag ng mga awit kung gaano

kaibig-ibig ang Makapangyarihang Diyos.

Namumuhay kasama ng tao,

nagtatakda Siya ng isang huwaran para sundin natin sa lahat ng bagay.

Ang puso ng Diyos ay tunay na maganda at mabuti,

at ang pagmamahal Niya ay napakapraktikal.

Kung ano ang Diyos at kung ano ang mayroon Siya ay tunay na mahalaga.

II

Sa pagdanas sa paghatol ng mga salita ng Diyos,

naunawaan ko na ang katotohanan.

Sa pamamagitan ng mga kapighatian at pagpipino,

nakita ko na ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos.

Ang karanasan ko sa pagdurusa ang nagbunyag sa maraming paghihimagsik sa loob ko,

at sa pamamagitan ng pagbabasa sa mga salita ng Diyos,

nagawa kong makilala ang aking sarili.

Bagaman mahigpit ang Kanyang salita, napakabait ng Kanyang puso,

at ang tanging layunin Niya ay ang kaligtasan ng tao.

Agarang ninanais at hinihintay ng Diyos ang pagbabalik sa Kanya ng tao.

Nagawa ko nang maunawaan ang mga layunin ng Diyos,

at hindi na ako negatibo o umaatras.

Nais ko na lang na tuparin ang aking tungkulin

at ipaubaya ang lahat sa mga pamamatnugot ng Diyos.

III

Ang salita ng Diyos ay nanatili sa aking tabi magpahanggang sa araw na ito,

at ang paghatol at paglalantad ng Kanyang salita

ay kasama ko sa aking pang-araw-araw na buhay.

Nililinis ng masakit na pagpipino ang aking katiwalian,

at dinadalisay ng mga pagsubok at kapighatian ang pagmamahal ko sa Diyos.

Sa pagdanas sa gawain ng Diyos,

natikman ko ang parehong pait at tamis.

Isinasabuhay ko ang wangis ng tao, at ito ay napakalaking pagliligtas ng Diyos.

Hindi ko masabi ang lahat ng nasa aking puso.

Hindi ako matapos sa pagsasalita tungkol sa pagmamahal ng Diyos.

Naghahangad ako ng disposisyonal na pagbabago

at mamahalin ko ang Diyos magpakailanman.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin